Wish you were here: Lalaki literal na naging ‘drawing’ sa travel photos ng nobya

Imahe mula sa Facebook | Duday Sales
  • Kinaaaliwan ngayon ng netizens ang mga larawang ibinahagi ng isang babae kung saan iginuhit niya ang kanyang special someone na kasama sana sa South Korea
  • Ayon kay Duday Sales, lima sana silang pupunta roon pero na-deny ang visa ng tatlo
  • Nagdesisyon silang ituloy ang trip at idaan na lamang sa creativity ang pagka-miss sa nobyo

Literal na naging ‘drawing’ ang boyfriend ng isang netizen matapos ma-deny ang visa nito patungong South Korea.

Imahe mula sa Facebook | Duday Sales

“Ganito sana tayo kaso denied ka. Kahit malungk0t, kunwari na lang kasama pa rin kita,” sabi ni Duday Sales sa isang Facebook post. Idinaan na lamang niya sa creativity ang lungk0t at nagdrawing ng stickman sa mga espasyo na dapat sana ay kukumpleto sa documentation ng travel goals nila ng kaniyang special someone.

Sa comment box, may nagtanong  kay Sales kung bakit denied ang kasama. Sagot niya rito, “’Di ko rin po alam kung bakit denied. Five po kami dapat, tatlo po ang denied,” paliwanag niya sa komento.

Marami namang netizens ang naka-relate kay Sales. Sa Facebook group na DIY Travel Philippines kung saan ibinahagi ni Sales ang mga larawan, may mga nagkuwento rin ng sariling karanasan.

Imahe mula sa Facebook | Duday Sales

Sabi ni Nik Saints, “Last year din denied partner ko. Kahit all set and bayad na lahat, ako lang approved. ‘Di ko na tinuloy, nagbook agad ako ng Taiwan the same week para happy pa rin kami together. Hopefully makasama mo siya sa snow soon. Fighting!”

Tugon ni Sales, “Yes, pero nasa pag-uusap na po namin ng partner ko ‘yon so okay lang po. Nakalulungk0t lang din po talaga. Bawi na lang sa Pinas po.”

Kuwento naman ni Oslen Smndl, “‘Yong asang asa na kami sa SoKor. Namili na ng mga coat kasi sabi ng agency okay na. Tapos denied. Iyak kami.”

Pagbabahagi naman ni Marie Feliciano, “Love this idea! Puwede sa mga LDR.”

May ganito ka na rin bang karanasan?

Source :

Facebook

Loading…