Wishing paper ritual para matupad ang pangarap na masaganang Bagong Taon

  • Ritwal gamit ang wishing paper para matupad ang mga wishes sa New Year
  • Joss paper ang tawag sa papel na ginagamit sa wishing paper ritual
  • Isang feng shui expert ang nagbahagi ng paraan ng pagsasagawa ng wishing paper ritual

Ang mga Chinese raw ay mga taong matagumpay dahil naniniwala sila sa mga kaugalian at ritwal na nakaaakit ng kayamanan, suwerte, kaginhawaan at kasaganaan. Isa sa mga nakaugalian nila ay ang wishing paper ritual gamit ang wish-granting paper upang ialay sa mga diyoses.

Imahe mula sa Wear Good Vibes

Isa sa mga ritwal na ginagawa upang makamtan ang kahilingan tuwing sasapit ang New year ay ang pagsun0g ng wish-granting paper hanggang tuluyan itong maging abo. May isang espesyal na papel na ginagamit para sa paghingi ng kahilingan – ang joss paper.

Isang feng shui expert ang nagbahagi ng isang paraan ng paghingi ng wish gamit ang papel. Aniya, dapat isulat ng gumagawa ng ritwal ang kumpleto niyang pangalan sa wish-granting paper. Isulat din doon ang mga kahilingan.

Mas maraming kahilingan, mas maganda, ayon pa rin sa eksperto.

Dapat rin umanong detalyado ang wish. Halimbawa, kung pera ang kahilingan dapat nakasulat ang eksaktong halaga nito at kung Peso o Dollar. Kung sasakyan naman, dapat ay nakalagay kung anong brand, modelo at kulay.

Pagdating ng hatinggabi ng December 31 ay sunugin ang wish-granting paper.

Paliwanag ng eksperto, sa mga oras na iyon daw nagbabasa ng mga wish ang Wishing God.

Imahe mula kay Sioichi

Ang ginagamit na joss paper para sa magandang suwerte, kaginhawaan at mahabang buhay ay ang may nakaimprentang Fu-Lu-Shou o ang tatlong diyoses – Fu (suwerte), Lu (kaginhawaan) at Shou (mahabang buhay).

Ang katumbas ng Fu-Lu-Shou sa Katolisismo ay ang Three Wise Men na nag-alay ng mga handog kay Hesus.

Imahe mula sa Wear Good Vibes

Ginagawa mo rin ba ito tuwing Bagong Taon?

Loading…