Wonder grandma! Lola sa Lucban, nag-ala Wonder Woman sa kaniyang surprise 80th birthday pictorial

  • Ibinida ng netizen na si Ronn Unlayao ang kaniyang lola na talaga namang ‘super hero’ ng kanilang pamilya
  • Viral ang mga larawan ng matanda matapos nitong mag-ala Wonder Woman sa kaniyang surprise 80th birthday photoshoot
  • Maliban sa tema ng kaniyang pictorial, hinangaan din ng marami ang kasipagan ng lola dahil nagagawa pa nitong magsaka sa kabila ng kaniyang nakatatandang edad

Kinaaliwan sa social media ang larawan ng isang lola na nag-ala Wonder Woman sa kaniyang surprise 80th birthday pictorial sa Lucban, Quezon.

Imahe mula kay Ronn Unlayao | Facebook

Sa post ng netizen na nagngangalang Ronn Unlayao, ibinida niya ang kaniyang lola na talaga naman nagpapakasuper hero sa kanilang pamilya.

“Flex ko lang ang lola naming walang kapaguran. Nanghihina daw siya kapag nasa bahay lang at walang ginagawa,” ani Ronn.

“Sa edad na 80 nagsasaka pa rin. Nanay Gunda, ang tunay na Wonder Woman,” dagdag niya.

Makikita sa mga larawan na ibinahagi ni Ronn ang kaniyang Nanay Gunda na maligaya sa pagsusuot ng kaniyang Wonder Woman costume. Nagpakitang-gilas din ito sa pagsakay sa kabayo bitbit ang kaniyang mga sandata.

“Every mother is a superhero. They never get tired,” sabi ni Ronn sa post. “Our Wonder Nanay, a warrior in life,” pagbibida niya sa kaniyang lola.

Agad namang nag-viral ang post ni Ronn, at hindi lang dahil sa nakaaaliw na tema ng pictorial ng kaniyang Nanay Gunda. Marami rin ang humanga sa kaniyang lola lalo na’t nagagawa pa rin nitong magsaka sa kabila ng kaniyang nakakatandang edad.

“Bongga naman ng surprise birthday celebration ni Nanay Gunda. Galing ng concept. Ang mga nanay ang totoong superhero ng buhay natin,” ani MVV.

Imahe mula kay Ronn Unlayao | Facebook

“Ganda nito, Ronn! Hello po, Lola!” sabi naman ni MM sa kaibigan.

“I’m a huge Wonder Woman fan and this is one of coolest photos I’ve ever seen!” pahayag naman ni MM sa comment section matapos makita ang mga larawan ng matanda.

Sa ngayon ay umani na ang post ni Ronn ng higit 1,900 reactions. Mayroon na rin itong higit 2,400 shares sa Facebook.

Imahe mula kay Ronn Unlayao | Facebook
Source :

Facebook

Loading…