Wow mali: Dating child star na si Chuckie Dreyfus, napagkamalan daw na si ‘Chuckie’ (Jackie) Forster

  • May isang nakatatawang karanansan ang dating child star at composer na si Chuckie Dreyfus 
  • Napagkamalan daw kasi siya ng dalawang sales lady bilang si Chuckie (Jackie) Forster
  • Dahil dito, nagkaroon ng ‘Chuckie’ puns ang kanyang mga kaibigan at followers

Kapag naging artista ang isang tao, mas marami na ang makakikilala rito. Sa bansang Pilipinas kung saan talaga namang tinitingala ang mga celebrity, tiyak na kapag napunta sa mga pampublikong lugar ang isang artista ay maraming makatutukoy sa pagkakakilanlan nito at marami ang kadalasa’t magpapa-picture at autograph pa.

Pero sa isang Facebook post, pinatunayan ng isang dating child star na si Chuckie Dreyfus na kahit sikat ay maaari pa ring hindi matandaan ng mga tao ang lahat ng tungkol sa kanila. Ito raw ang nangyari sa kanya sa isang pamilihan nang marinig niya ang usapan ng dalawang sales lady tungkol sa kanya.

Larawan mula sa Facebook page ni Chuckie Dreyfus

Nakilala naman daw siya ng dalawang sales lady sa kanyang first name. Pero mali ang narinig niyang apelyido. Imbes na Dreyfus, ay Forster daw ang sinabi ng mga staff ng grocery. Katunog kasi ng pangalan niya ang Jackie na pangalan din ng isang aktres noon na si Jackie Forster.

“Saleslady 1: Ay si Chuckie!
Saleslady 2: Ay  oo nga! Hello, Chuckie FORSTER! Huhuhu,” pagbabahagi ng aktor sa kanyang Facebook page.

Maraming kaibigan at fans ni Chuckie ang natawa rin sa ‘wow mali’ experience niya. Nagbiro pa nga ang ilan ng kanilang ‘Chuckie’ pun na tinatawanan din naman na aktor. May kaibigan niya na nagsabi na buti na lamang at hindi si Chucky na bida sa isang horr0r film na ‘Child’s Play.’

Ang isa namang netizen ay sinabi na sana ay napagkalaman na lang siya na si Chuckie na icon ng isang chocolate drink. Sumang-ayon naman si Chuckie dito at okay daw ang ideyang iyon ng netizen. Ang iba naman ay biniro si Chuckie Dreyfus bilang Chuckie Chan na isang sikat na martial artist.

Larawan mula sa Facebook page ni Chuckie Dreyfus

Samantala, si Jackie ang dating asawa ng basketbolista at komedyante na si Benjie Paras. Nagkaroon sila ng dalawang anak na aktibo rin sa mundo ng showbiz at sports na sina Kobe at Andre Paras.

Si Chuckie naman ay nakilala bilang isang award-winning child star, commercial model, at bahagi ng That’s Entertainment. Ngayon ay isa na siyang composer, musical scorer, at songwriter. Abala na rin siya ngayon sa kanyang vlogging channel.

Loading…