Yeng Constantino, may pakiusap kay Pang. Duterte tungkol sa franchise renewal ng ABS-CBN

Imahe mula sa PCOO at sa Instagram ni Yeng Constantino
  • Nakiusap si Kapamilya singer Yeng Constantino kay Pang. Duterte na bigyan ng pagkakataon ang ABS-CBN na ma-renew ang kanilang franchise to broadcast
  • Ito raw kasi ang source of income niya at ng marami pang mga artista
  • Makailang ulit nang binanggit ni Pang. Duterte na sisiguraduhin niyang hindi na makakapag-renew ang ABS-CBN kapag napaso ang franchise nito sa March 2020

Nakiusap si Kapamilya singer Yeng Constantino kay Pangulong Rodrigo Duterte na muli nitong pag-isapan ang desisyon tungkol sa pag-renew ng franchise ng ABS-CBN sa napipintong pagkapaso ng kanilang franchise to broadcast sa March 2020.

Imahe mula sa Wikipedia

“I don’t know what’s right and wrong for you. And ano ‘yong pinakaugat at puno nito bakit humantong sa ganito. Sir, sana po ma-consider niyo rin po ‘yong ibang mga artists na nagtatrabaho sa industriyang ito katulad po namin. Kumakatok lamang po kami sa puso ninyo na baka maaari naman na hindi po maputol ‘yong source of living namin, Sir,” sabi ni Yeng sa interview na ibinahagi ng Pep sa YouTube.

Matatandaang makailang ulit nang sinasabi ni Pang. Duterte na pipigilan niya ang renewal ng ABS-CBN dahil umano sa hindi nito pag-ere ng 2016 election advertisement niya at sa hindi raw nito patas na pagbabalita. “If you are expecting na ma-renew ‘yan, I am sorry. I will see to it that you are out,” pahayag niya ngayon lamang buwan.

Sabi naman ni Constantino, humahanga raw siya sa mga ginagawa ng Pangulo para sa bansa at hindi naman daw puro mali lang nito ang napupuna nila. “Maybe there are things na [we don’t] agree about, [but] it doesn’t mean na lahat po ng flaws ninyo, nakikita namin,” sabi niya.

Imahe mula sa Instagram | Yeng Constantino

Inamin din niya na hindi nila napag-uusapan ng mga kaibigan sa showbiz ang tungkol sa issue na ito. “We don’t really talk about it. Parang ang hirap pag-usapan. Pag minsan na lang kayo magkikita ng mga katrabaho mo… you don’t talk about things that will make you sad. Pero, I feel na everyone’s sad about the thought na puwede siyang mangyari,” dagdag pa ni Constantino.

Gayunpaman, napagtanto daw niya na hindi talaga forever ang showbiz kaya naman balak niya nang ipagpatuloy ang pagkuha ng kursong psychology. “Sabi ko sa asawa ko, ‘Alam mo, Love, what I realized about what’s going on in the industry is that showbiz is not really forever.’ Hindi mo alam kung kailan mawawala, e. So, at least, preparado ka lang,” saad pa niya.

Pero mananatili pa rin daw na positibo si Constantino at idadaan na lang sa panalangin ito.

Source :

YouTube, Inquirer

Loading…