Yorme ipasasara ang mga Divisoria malls na hindi nagpapasuweldo nang sapat sa mga Pinoy workers

  • Mga Chinese traders na nagnenegosyo sa mga malls sa Divisoria binalaan ni Yorme
  • Ipasasara ni Mayor Isko ang mga Divisoria malls kapag hindi nagbigay ng tamang sahod ang mga negosyante sa mga Pinoy workers
  • Maging ang mga store owners na naglalabas ng paninda sa sidewalk sa Raon, Quiapo ay sinermunan ng alklade

Nagbabala si Manila Mayor Isko Moreno na ipasasara ang mga shopping malls sa Divisoria kapag hindi nagpasahod ng tama sa mga Pinoy workers ang mga Chinese traders na nagnenegosyo roon.

Imahe mula sa Tripadvisor

Partikular na binanggit ng alkalde ang mga negosyanteng Tsino sa 168 Shopping Mall na hindi sapat ang ipinapasahod sa mga empleyado nilang Pilipino.

“Don’t abuse, pay necessary salary, don’t cheat our fellow Filipino with the standard salary. If you are chaotic in your country, if you are chaos there, do not bring it here,” sabi ni Yorme sa mga negosyanteng Tsino sa Divisoria.

Pinaalalahanan niya ang mga banyagang negosyante na huwag nang magnegosyo sa Maynila kung hindi nila bibigyan ng tamang suweldo ang mga kawaning Pilipino.

“Banyaga na kayo nakakapagtinda kayo rito, ayoko ng aapihin ninyo ang mga Pilipino pagdating sa suweldo nila. Don’t do business here if you don’t pay salary. I think it’s not fair,” ani Mayor Isko.

Samantala, pinulong naman ni Mayor Isko ang mga vendors at store owners sa Raon Street sa Quiapo. Pinakiusapan niya ang mga ito na itigil na ang pagdi-display ng kanilang mga paninda sa mga sidewalk at kalsada.

Imahe mula sa Manila PIO

Ilang store owners ang naglalabas ng mga paninda nilang malalaking speakers at karaoke sa sidewalk.

“Help me understand. Bakit n’yo nilalabas paninda ninyo sa bangketa? You want me to help you keep them inside your store?” aniya.

“Ang bangketa ay para sa taumbayan. I’m giving you back what you deserve. Roads, alleys, boulevards—they’re yours and it’s also yours to protect,” dagdag pa ng alkalde.

Binalaan ni Mayor Isko ang mga store owners na naglalagay ng mga paninda sa sidewalk na kapag siya mismo ang nagpakuha ng mga paninda ay ipamimigay niya ang mga iyon sa mga taong nangangailangan.

“Kapag ako ang kumuha, hindi ko na ‘yan ibabalik. Hindi lang ‘yan ikukumpiska, lahat nang makukuha ay ibibigay din namin sa nangangailan,” babala ni mayor.

Loading…