Yorme, nag-utos na ipatupad ang batas na nagbibigay ng 20% discount sa mga national athletes at coaches

  • Mayor Isko Moreno ipinag-utos sa mga business establishments sa Maynila na bigyan ng diskwento ang mga national athletes at coaches
  • Inatasan ng alkalde ang Bureau of Permits ng lungsod na siguruhing maipatutupad ang R.A. no. 10699
  • Ang utos ni yorme ay kasunod ng pahayag ni Wushu superstar Agatha Wong na hindi siya binigyan ng diskwento sa isang business establishment

Ipinag-utos ni Manila Mayor Isko Moreno sa lahat ng mga establisimyento sa Lungsod ng Maynila ang mahigpit na pagpapatupad ng batas na nagbibigay ng diskwento sa mga atleta ng bansa.

Imahe mula sa Manila PIO

Binigyan ng alkalde ng direktiba ang Bureau of Permits ng city government na siguruhin na ang Republic Act Number 10699 o ang “National Athletes and Coaches Benefits and Incentives Act” ay ipatutupad sa lahat ng business establishments sa Maynila.

Isinasaad sa National Athletes and Coaches Benefits and Incentives Act na entitled sa 20% discount mula sa mga business establishments ang mga atleta at coach na kinikilala at accredited ng Philippine Olympic Committee at ng Philippine Sports Commission.

Ginawa ni Yorme ang kanyang direktiba ilang araw matapos magpahayag ng pagkadismaya si Agatha Wong, Wushu star at Southeast Asian Games gold medalist, dahil sa malamyang pagpapatupad ng nabanggit na batas.

Matatandaang nanawagan si Agatha Wong sa pamamagitan ng social media para sa mas maayos na implementasyon ng Republic Act Number 10699.

“Can we make R.A. 10699 on the national athlete’s discount benefits an imposed and required law to abide by?” ani Wong sa Twitter post niya noong ika-21 ng Disyembre.

Imahe mula sa Facebook account ni Agatha Wong

“Gets quite annoying to keep having to explain to managers that this kind of benefit actually exists and some are even doubtful. U think amalayer?” bahagi pa rin ng tweet ng Wushu superstar.

Ang pahayag ni Wong ay kasunod ng pagtanggi ng isang establisimyento na bigyan siya ng diskwento bilang atleta.

Bukod kay Wong, si National water polo coach ay pinagkaitan din ng isang establisimyento ng nararapat na 20% discount.

Source :

ABS-CBN, Philstar

Loading…