Yorme nanawagan sa mga Manileño ng pantay na pagtrato sa bawat isa anuman ang paniniwala

  • Ilang miyembro ng Muslim community bumisita kay Mayor Isko Moreno
  • Sinabi ng alkalde na welcome sa lungsod ang mga Muslim
  • Nangako ang alkalde na magpapatayo ng libingan na para sa mga Muslim

Kasabay ng malugod na pagsalubong sa mga miyembro ng Muslim community sa Lungsod ng Maynila na bumisita sa kanya kamakailan lang, nanawagan si ni Manila Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso sa lahat ng mga residente na maging bukas sa pagtanggap sa kapwa Manileño.

Imahe mula sa Manila Bulletin

Anang alkalde, dapat tratuhin ng mga residente ang bawat isa nang walang itinatangi batay sa kanilang kasarian, etnisidad at paniniwalang pangrelihiyon.

Sinabi naman ni Mayor Isko sa mga Muslim community members na bumisita sa kanya sa city hall na welcome sa Lungsod ng Maynila ang mga Muslim.

“All of you are welcome in Manila. As long as you live fairly and peacefully, you are welcome just like all the rest,” ani Mayor Isko.

“We will make you feel that you belong and have the right to stay and continue helping us, the city government. Help us spread the word that our Muslim brothers can do business, study, and live in Manila. Don’t ever think that you are different. We are all equal, immaterial of our beliefs,” dagdag pa ni Yorme.

Binigyang-diin pa ng mayor na sa Lungsod  ng Maynila, ang lahat ay pantay-pantay.

Imahe mula sa Pixabay

“Dito sa Maynila, walang babae, walang lalaki, walang bakla, walang tomboy, walang mayaman, walang mahirap, lahat pantay-pantay,” aniya.

Bilang pagpapakita ng pagpapahalaga niya sa Muslim community sa lungsod, nangako ang alkalde na magpapatayo ng libingan para sa mga Muslim.

Loading…