10 mayor na sumuway sa road clearing order ni Panguong Duterte, kinasuhan ng DILG

  • Sampung alkalde na hindi sumunod sa road clearing order ni Pangulong Duterte sinampahan ng kaso
  • Kasong gross neglect of duty at grave misconduct ang isinampa ng DILG laban sa mga sumuway na mayor
  • Sinabi ng DILG na may 87 mayors pa ang sasampahan din ng kaparehong kaso

Kinasuhan ng Department of Interior and Local Government (DILG) ang sampung (10) alkalde dahil sa hindi nila pagsunod sa direktiba ni Pangulong Rodrigo Duterte na alisin ang lahat ng obstruksyon sa mga lansangan.

Imahe mula sa PNA

Sa opisyal na pahayag na ginawa noong Linggo, ika-5 ng Enero, sinabi ni DILG Secretary Eduardo Año na sinampahan ng kasong gross neglect of duty at grave misconduct ang sampung mayor sa Office of the Ombudsman.

Kinilala ng kalihim ang mga alkalde bilang sina Mayor Reynaldo Marco ng Baco, Oriental Mindoro; Mayor Tomas Bongalonta Jr ng Pili, Camarines Sur; Mayor Dean Michael Singco ng Ginatilan, Cebu; Mayor Edgar Tan ng Pagsanghan, Samar at Mayor Boen Dorotheo Cabahug ng Aurora, Zamboanga del Sur.

Kabilang din sa kinasuhan sina Mayor Joel Sulong ng Lapuyan, Zamboanga del Sur; Mayor Joseph Uayan ng Sagay, Camiguin; Mayor Helencia Abecia ng Guinsiliban, Camiguin; Mayor Antonio Baculio ng Manticao, Misamis Oriental at Mayor Alicia Mori of Caraga, Davao Oriental.

Ang 10 alkalde ay kasama sa 97 local chief executives na hindi nakasagot nang maayos sa show cause order na inisyu ng ahensya. Siniguro ni Sec. Año na sasampahan din ng kaso ang iba pang alkalde.

Imahe mula sa DILG

“This is just the first batch of cases to be filed and we will file the succeeding batches as soon as our lawyers have finished reviewing the validation reports and the corresponding answers by the mayors,” paliwanag ni Año.

“Hindi tayo nagbibiro noong sinabi natin na handa tayong sampahan sila ng kaso. We took very seriously President Duterte’s order for the DILG to lead the road clearing efforts and file cases to non-compliant LGUs (local government units), if need be,” dagdag pa ng kalihim.

Samantala, sinabi ni DILG Undersecretay Jonathan Malaya na magpapatupad ang ahensya ng panibagong 75-day road clearing operation matapos mapansin na bumalik sa kalsada ang mga obstruksyon nitong nagdaang Christmas holiday.

Imahe mula sa UNTV
Source :

Philstar, Abante

Loading…