P12 minimum fare sa pampasaherong dyip, muling hiniling ng ilang transport group

  • Muling humiling ng dagdag na tatlong piso sa mimimum fare ng pampasaherong dyip ang mga transport group
  • Ang dagdag na pamasahe ay bilang paghahanda sa posibleng epekto sa alitan sa pagitan ng Iran at ng Amerika
  • Ngunit ayon kay Energy Secretary hindi umaangkat ng petrolyo ang Pilipinas sa Iran at sapat ang suplay natin para sa unang kuwarter ng taong ito

Humiling ang mga transport group na dagdagan ng tatlong piso ang minimum fare sa pampasaherong dyip kung saan magiging ?12 ang dating ?9.

Nitong Biyernes, Enero 10, 2020, may mga transport group na naghain ng petisyon sa tanggapan ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ng dagdagan ang minimum fare.

Imahe mula sa Pixabay

Ang dagdag sa pamasahe ay dahilan umano ng mga kaguluhan sa Middle East na pinag-aangkatan ng petrolyo. Sa kasalukuyan, nakasentro ang gulo sa pagitan ng US at Iran.

Sa isang report ng ABS-CBN, ipinahayag ni ni Zeny Maranan, pangulo ng Federation of Jeepney Operators and Drivers Association of the Philippines, na posible umanong tumaas hanggang ?50 ang presyo ng petrolyo sa merkado.

Sa kasalukuyan, ang presyo ng diesel ay nasa pagitan ng ?40 hanggang ?45 kada litro.

Ayon pa sa report ng GMA, ang dagdag na pamasahe ay para na rin sa tumataas na gastusin sa maintenance ng mga bahagi ng sasakyan.

Samantala, ipinaliwanag naman ni Energy Secretary Bodie Pulido na kaunti lamang ang maaaring itaas ng presyo ng petrolyo kung sakali mang maapektuhan ng kaguluhang iyon ang pandaigdigang merkado.

Dagdag pa ni Pulido, ang Pilipinas ay hindi umaangkat ng petrolyo sa Iran ngunit kung mayroon mang kahaharaping suliranin, iyon ay sa mga dadaanan ng barko. Sapat din umano ang suplay ng mga kompanya para sa unang kuwarter ng 2020.

Imahe mula kay Eric Molina (Flickr/Creative Commons)

“The market has reflected a bit of increase because of speculation, ‘yan po ay analysis ng international think tanks at sa aming analysis,” paliwanag pa ni Pulido sa report ng ABS-CBN.

Hindi ito ang unang pagkakataon na humiling ang iba’t ibang transport group sa LTFRB na gawing ?12 ang minimum fare. Noong 2018 at 2019 ay may mga nabalita na rin ukol sa dagdag na pamasahe.

Source :

ABS-CBN, GMA News

Loading…