2 lalaking naulat na nawawala matapos bumalik sa pulo ng Bulkang Taal, patuloy pa ring pinaghahanap

  • Patuloy na pinaghahanap ng kanilang pamilya ang dalawang lalaking bumalik umano sa pulo ng Bulkang Taal, dalawang linggo matapos itong magsimulang mag-albur0to
  • Kinilala ang mga nawawala na sina Alexander Dando Jr. at Marlon Deteral na parehong mga residente sa Barangay Alas-As, San Nicolas, Batangas
  • Sa ngayon ay nahihirapan pa ring magsagawa ng search and rescue operation ang mga awt0ridad sa lugar dahil nasa ilalim pa rin ito ng lockdown

Patuloy pa ring pinaghahanap ng kanilang pamilya ang dalawang lalaking naulat na nawawala matapos bumalik sa pulo ng Bulkang Taal, dalawang linggo matapos itong magsimulang mag-alburoto.

Imahe mula sa Facebook video ni Mark Villar

Sa ulat ng ABS-CBN News noong January 29, kinilala ang mga nawawala na sina Alexander Dando Jr. at Marlon Deteral.

Parehong residente ang mga ito sa volcan0 island o pulo ng Bulkang Taal na matatagpuan sa Barangay Alas-As, San Nicolas, Batangas.

Ayon sa kapatid ni Alexander na si Gerry Dando, nagawa nang lumikas ng kaniyang kapatid sa barangay noong magsimulang maglabas ng makapal na usok ang Bulkang Taal.

Nagulat na lamang umano siya nang mag-text sa kaniya si Alexander upang sabihin na babalik ito sa pulo dahil na rin sa pag-aakalang tapos na ang pag-albur0to ng bulkan.

Simula noon ay hindi pa rin niya muling nakakausap si Alexander.

Kuwento naman ng kapatid ni Marlon Deteral na si Bernadette Valenzuela, pinili umanong magpaiwan ni Marlon sa isla sa pag-aakalang nasa bahay pa ang kanilang ina. Nauna na pala itong nakalikas sa kanilang lugar.

Ani Bernadette, hanggang ngayon ay hindi pa rin nila natatagpuan o nakakausap si Deteral.

Hindi naman makapagsagawa ng search and rescue operation ang mga awt0ridad sa dalawang residenteng nawawala dahil nasa ilalim pa rin ng lockdown ang v0lcano island.

Imahe mula sa Youtube video ng ABS-CBN News

Hindi pa rin pinapayagan ang sinuman na bumalik o lumapit sa lugar.

Panoorin ang ulat ng ABS CBN via YouTube:

Source :

Youtube, ABS-CBN

Loading…