2 Pinay nakalabas ng Wuhan bago ang lockdown, Pinoy UP prof piniling magpaiwan

  • Dalawang Pilipina nakalabas ng Wuhan City bago ang lockdown
  • Ipinatigil ng Chinese government ang operasyon ng lahat ng transportasyon sa Wuhan upang hindi kumalat ang nCoV
  • Isang Pinoy UP professor ang nagdesisyong hindi lumabas ng Wuhan City

Nakalabas ng Wuhan City sa China ang dalawang Pinay  ilang oras bago ipatupad ang total lockdown sa lugar, samantalang ang isang Pinoy professor mula sa University of the Philippines ay nagpaiwan sa naturang siyudad.

Screenshot mula sa video ng GMA

Ang lockdown ay ipinatupad upang mapigilan ang pagkalat ng 2019 novel coronavirus (2019-nCoV) sa ibang lugar.

Kuwento ng dalawang Pinay na kinilala lang sa mga pangalang Cindy at Brie, nalaman nila ang plano ng Chinese government tungkol sa lockdown ng Wuhan City hatinggabi bago ipatigil ang operasyon ng lahat ng uri ng transportasyon doon noong  Huwebes, ika-23 ng Enero.

Anila, 10 a.m. umano sisimulan ang lockdown kaya agad silang nag-book ng masasakyan palabas ng siyudad.

“This midnight, we received a message from a friend that was in Chinese. It says that the government will implement a lock-down at 10 in the morning. All the airports, the train stations, subway, buses, ferries, they will lock it down at 10 a.m.,” sabi ni Brie.

“We’re feeling like a bit safe now cause we have left the city. Wuhan, na ngayon ay naka-lockdown na. It was really chaos. It was like an apocalypse. We actually thought we’re never gonna get out of Wuhan this morning,” dagdag pa niya.

Nakapag-book sila ng flight patungong Hong Kong kung saan sila pansamantalang titigil bago lumipad patungong Pilipinas. Handa naman silang sumailalim sa medical examination at magpa-quarantine kung kinakailangan.

“So for me and my partner, we’re willing. Mas maganda nga yung early detection so you can cure it,” sabi pa ni Brie.

Screenshot mula sa video ng GMA

Samantala, mas pinili ni Jan Robert Go, isang professor sa University of the Philippines na PhD student sa Wuhan, ang manatili sa siyudad upang hindi na maging dahilan ng pagkalat ng nCoV bagama’t sa kanyang pagkakaalam ay hindi naman siya kinapitan nito

“Because I’m coming from Wuhan, I don’t want to be the carrier of anything. As far as I know, I don’t have the virus with me. Pero, syempre for safety, para hindi na lang din magkaroon ng worries or other concerns,” paliwanag niya.

Ayon sa Philippine Embassy sa Beijing, apat na Pinoy lang ang nakarehistrong naninirahan sa Wuhan City at wala sinuman sa kanila ang nabiktima ng nCoV.

“As far as we know, there are no reported Filipinos who’s been infected or who’s been hospitalized,” sabi ni Jose Sta. Roman, ang Philippine Ambassador to China.

Screenshot mula sa video ng GMA

Loading…