2,000 tao na kabilang sa world’s richest, mas mayaman pa rin kahit pagsamasamahin ang pera ng 4.6 billion na pinakamahihirap — Report

Imahe mula sa Unsplash | Emre Al?r?z at Chitto Cancio
  • Hindi matutumbasan ng pinagsamang yaman ng 4.6 bilyong tao ang pera ng 2,153 bilyonaryo sa mundo
  • Ito ang napag-alaman ng Oxfam sa ulat nilang ‘Time to Care: Unpaid and underpaid care work and the global inequality crisis’
  • Hindi rin daw nabibigyan ng patas na oportunidad upang kumita ang mga babae na inilalaan ang kanilang oras sa care work

Kahit pagsama-samahin ang yaman ng 4.6 billion na pinakamahihirap na tao sa mundo ay hindi pa rin ito sapat upang matumbasan ang yaman ng 2,153 mga bilyonaryo noong 2019. Ito ang napag-alaman ng global movement na Oxfam.

Imahe mula sa Unsplash | Alexander Mils

Inilabas nila ang impormasyong ito sa ulat na tinawag nilang “Time to Care: Unpaid and underpaid care work and the global inequality crisis.” “Economic inequality is out of control. In 2019, the world’s billionaires, only 2,153 people, had more wealth than 4.6 billion people,” sabi nila.

Samantala, ang hindi bayad na care work naman daw ng mga babae ay aabot sa $10.8 trillion sa isang taon. “This great divide is based on a flawed and sexist economic system that values the wealth of the privileged few, mostly men, more than the billions of hours of the most essential work – the unpaid and underpaid care work done primarily by women and girls around the world,” sabi nila.

Isinapubliko raw nila ang uat na ito bago ganapin ang World Economic Forum sa Davos, Switzerland na dadaluhan ng political at business leaders.

Imahe mula sa Unsplash | Artur Ihnatov

Ayon pa kay Oxfam India CEO Amitabh Behar, may mga babae sa India na tinatawag na Buchu Devi at ginugugol daw nila ang 16 hanggang 17 oras nila sa araw-araw upang mag-igib ng tubig, magluto, at asikasuhin ang mga bata.

“This Buchu Devi is not one person. I, in India, encounter these women on a daily basis, and this is the story across the world…And on the one hand you see the billionaires who are all assembling at Davos with their personal planes, personal jets, super rich lifestyles. We need to change this, and certainly end this billionaire boom,” sabi niya sa Reuters.

Iminungkahi nila ang pagdadagdag ng tax ng mga mayayaman at paglalaan ng pondo para sa national care system para masolusyonan ang hindi pantay na responsibilidad para sa care work na ginagampanan daw ng mga babae.

Loading…