3.5-hectare vacant lot planong gawing evacuation center upang magamit na ng mag-aaral ang mga paaralan

  • Isang malaking bakanteng lote sa Bauan, Batangas ang planong gawing evacuation center
  • Ito ay upang mabakante na at magamit ng mga estudyante ang mga paaralan na ginawang temporary evacuation center
  • Batay sa Children’s Emergency Relief and Protection Act, hangga’t maaari ay hanggang 15 days lang maaaring ipagamit ang mga paaralan bilang evacuation center

Sa tuwing may mga sakunang tumatama saan mang panig ng bansa ay nagiging isang malaking problema kung saan ililikas ang mga apektadong pamilya dahil sa kakulangan ng mga permanenteng evacuation center.

Imahe mula sa NECS

Ang mga public schools ay kadalasang ginagamit bilang pansamantalang lugar para pagkanlungan ng mga taong nagsilikas subalit ang resulta nito ay ang pagkakansela ng mga klase sa paaralan na nakaaapekto sa pag-aaral ng mga estudyante.

Sa pagputok ng Bulkang Taal, libo-libong pamilya ang nagsilikas patungo sa mas ligtas na lugar. Ang ilan ay nakipanuluyan sa mga kamag-anak, ngunit ang karamihan ay nasa mga paaralan na ginawang evacuation centers.

Batay sa Republic Act No. 10821 o ang Children’s Emergency Relief and Protection Act, hangga’t maaari ay hanggang 15 days lang maaaring ipagamit ang mga paaralan bilang evacuation center ngunit maaari naman itong ma-extend kung wala talagang mapaglilipatan.

Sa bayan ng Bauan sa Batangas, isang 3.5-hectare vacant lot na nakalaan sa housing project ng munisipyo para sa mga empleyado nito ang balak gawing pansamantalang evacuation center dahil hindi pa naman nasisimulan ang proyektong pabahay.

Screenshot mula sa video ng ABS-CBN

Maaaring ilipat ang mahigit 20,000 evacuees sa vacant lot upang mabakante at magamit na ng mga estudyante ang maraming paaralan na ginagamit bilang temporary shelter ng mga Taal evacuees. Sa ngayon ay nasa mahigit 42 public schools sa Batangas ang ginagamit na evacuation centers.

Humihingi lang ng ayuda ang lokal na pamahalaan ng Bauan sa national government at sa pribadong sektor upang maisaayos ang bakanteng lote.

Wala umanong pondo ang munisipyo para magtayo ng mga palikuran, mga tent at iba pang pasilidad sa bakanteng lote upang maayos na magamit ito ng mga evacuees bilang temporary shelter.

Screenshot mula sa video ng ABS-CBN
Source :

ABS-CBN

Loading…