
- Nasa 36,000 na mga bakwit na apektado ng pags
abog ng Bulkang Taal mula sa iba’t ibang bayan sa Batangas ang nahatiran ng tulong ng GMA Kapuso Foundation - Ilan sa mga nabigyan ng relief package ay ang Sto. Tomas, Tanauan, at Tuy
- Nagbigay rin sila ng detalye kung paano makapagpapadala sa kanila ng donasyon
Libu-libong mga evacuees mula sa iba’t ibang bayan ng Batangas ang naabutan ng tulong ng GMA Kapuso Foundation.
Aabot sa 36,000 na mga indibidwal ang nahatiran ng tulong ng Kapuso Foundation sa pamamagitan ng kanilang Operation Bayanihan dahil na rin sa pagbuhos ng donasyon mula sa iba’t ibang panig ng Pilipinas.

Isa sa mga nabigyan ng relief package na naglalaman ng pagkain, tubig, hygiene kit, at mga bagong damit ay ang mga bakwit na nakalagi ngayon sa PUP Sto. Tomas, Batangas. Isa sa mga nakatanggap ng relief package ay si Mary Grace Maristela, isang parent leader.
Kuwento niya, una silang nakisilong sa kanilang kamag-anak ngunit dahil siksikan na roon ay nagpasiya na siyang sa evacuation center muna tumuloy.
Binilin na lamang daw niya ang tatlong maliliit niyang anak sa kaniyang kamag-anak. “Ayoko rin pong sila ay magkasakit. Awa naman ng Diyos inaalagaan naman po ng hipag ko doon. Panalangin na lang namin malampasan namin ang sitwasyon na ito,” sabi ni Mary Grace.
Pinuntahan din ng Kapuso Foundation ang isang private school sa Tanauan na binuksan ang kanilang pinto para sa mga bakwit. “Ito po talaga yung responsibilidad natin kasi kumakatok sila kaya kailangan nating pagbuksan,” sabi ni Marvin Keith Matanguihan, Marketing Team Leader ng DMMC Institute of Health Sciences.
Sa Tuy, Batangas naman nasa 2,000 mga bakwit ang nabigyan ng tulong. Mula sila sa Lemery, Agoncillo, Laurel, at San Nicolas.
Kung magpapadala raw ng in kind donations ay ito ang mga pinakakailangan: N95 masks, nebulizer, purified water sa mga refillable na galon, baby at adult diapers, bagong t-shirts, shorts, jogging pants, underwear (men and women), rubber slippers and boots (all sizes), toothbrush at toothpaste, bath soap at laundry soap, shampoo, wet wipes, alcohol, timba at palanggana, at banig at kumot
Sa mga nais pang magpaabot ng pinansyal na tulong maaari raw magpadala sa mga sumusunod:

Maaari rin daw magtungo sa www.gmanetwork.com/kapusofoundation/donate.