71 anyos na mangangalakal, nag-donate ng kaniyang ipon para sa mga bakwit

Imahe mula sa video ng GMA News via YouTube
  • Kahit hirap din, nag-abot pa rin ang isang 71 anyos na mangangalakal ng tulong para sa mga bakwit
  • Sabi niya, nagtatabi raw siya ng pera mula sa kaniyang kinikita sa pagbebenta ng mga bote
  • Dahil sa pag-iipon, nakapagbigay siya ng P2,000 para sa mga nananatili sa evacuation center

Dalawang linggo na ang nakalilipas simula nang maganap ang phreatic eruption sa Bulkang Taal ngunit patuloy pa rin ang dagsa ng tulong para sa mga naapektuhan nito.

Imahe mula sa video ng GMA News via YouTube

Kahit kapos din sa buhay, hindi ito naging hadlang para sa isang mangangalakal na makibahagi sa mga tumutulong sa mga naapektuhan ng pagsab0g ng Bulkang Taal.

Kuwento ng 71-anyos na si Ben Garcia sa GMA News, nagbabahay-bahay siya kasama ang anak na may special needs upang bumili ng mga bote. Kahit hindi raw kalakihan ang kaniyang kinikita ay sinisigurado niyang may naitatabi siya mula sa napagbentahan.

“Ito kasing hanapbuhay namin ay tsambahan po. Minsan kikita ng P500. Kapag ganoon ‘yung P200 itatabi ko,” sabi ni Mang Ben. Dahil sa pagiging masinop ay nakaipon naman siya. Sa katunayan, hindi siya nagdalawang-isip na magbigay ng P2,000 na donasyon sa GMA Kapus0 Foundation mula sa kaniyang naipon para sa mga bakwit na hindi pa rin nakababalik sa kanilang mga tahanan dahil naantig daw ang pus0 niya sa sitwasyon nila.

“Kawawa itong mga taong ito. Tayo, hindi naman tayo naapektuhan dito e. May nakatabi akong kaunti. Kahit na kaunti lang, idinonate ko na,” sabi niya.

Ganito rin ang musikerong si Eddie Macaranas. Kahit hindi regular ang kita at umaasa lamang sa tip na ibinibigay sa kaniya, nagbahagi pa rin siya sa mga kapwa Pilipino. “Wala akong suweldo, tip lang.  Maganda naman ang bigay sa akin kaya nagbibigay rin ako,” sabi naman ni Mang Eddie.

Kung may napatunayan man ang sakunang ito, ito ay ang walang pinipiling edad, kasarian, o estado sa buhay ang bayanihang Pinoy.

Sa kasalukuyan ay nakataas pa rin ang Alert Level 4 sa Taal at nangangahulugan itong maaaring maganap ang hazardous explosive eruption sa loob ng ilang oras o araw.

Source :

GMA News

Loading…