A sibling’s love: Babae, emosyonal nang makita sa kalye ang kapatid na limang taon nawala

Imahe mula sa video ni Ric Oliver via Facebook
  • Emosyonal ang naging muling pagkikita ng magkapatid na nawalay sa isa’t isa sa loob ng limang taon
  • Ayon sa netizen na nakasaksi nito, isang lalaking palaboy ang bigla na lamang niyakap ng babaeng naglalakad sa lugar
  • Nalaman niyang magkapatid ang dalawa at nawala raw ang lalaki noong taong 2015

Nasaksihan ng netizen na si Ric Oliver ang makabagbag damdaming pagkikita ng magkapatid na limang taong nawalay sa isa’t isa.

I-click ang imahe para mapanood ang video via Facebook

Kuwento ni Oliver, nasa Pateros siya bandang 8 p.m. noong January 21 nang isang lalaki ang umupo sa kanilang tabi. Madungis ito at halatang walang inuuwiang bahay. Ilang sandali raw ang lumipas nang may dumaan naman na isang babae at nang mapatingin ito sa lalaki ay nagulat daw siya sa mga sumunod na nangyari.

“Nilapitan nung babae si kuya, niyakap at sabay sabing ‘Kuya, naaalala mo pa ba ako?’ Umiiyak si ate at panay ang yakap niya sa lalaki,” saad ni Oliver sa kaniyang post na ngayon ay may 21k reactions at 10k shares na.

Ayon sa babae, taong 2015 nang mawala ang kaniyang Kuya sa Batangas ngunit hindi na raw naitanong ng uploader kung ano ang dahilan ng pagkawala nito dahil ibinigay na nila ang oras sa dalawa. Hiling niya, nawa ay maging inspirasyon ito upang hindi mawalan ng pag-asa sa mga taong may mahal sa buhay na nawawala.

“Kaya ko po sana ishinare ang video na nakuha  ko po sa kanila ay para magsilbing inspirasyon sa iba. Kung sakali po na mayroon po silang minamahal sa buhay na nawalay sa kanila, ‘wag po sana tayong mawalan ng pag-asa at tiwala sa Panginoon na balang araw ay makakasama po natin sila muli,” sabi niya.

iclick ang Imahe para mapanood ang video mula sa Facebook | Ric Oliver

Naantig naman ang mga netizens sa tagpong ito. Ang ilan ay ibinahagi na maging sila ay mayroong nawawalang kaanak at umaasa raw sila na kagaya ng magkapatid sa video ay magkikita pa silang muli. Si Jeffrey M., ikinatuwa na hindi nawalan ng pag-asa ang pamilya ng lalaki na matatagpuan pa nila ito kahit limang taon na ang nakalilipas.

Si Marvz S., napaisip daw kung paano naka-survive ang lalaki na limang taong naging palaboy.  “Paano kaya niya na-survive ang five years na ‘di niya kapiling ang pamilya niya? Nabuhay siya sa panglilimos sa lansangan,” sabi niya.

Marami rin ang nagsabi na wala talagang imposible kung may matinding pananampalataya.

Source :

Facebook

Loading…