‘Aim high since dreaming is free:’ Anak ng magsasaka, top 9 sa criminology exam

Imahe mula sa Facebook | PHINMA COC Criminology Review Center
  • Anak ng mga magsasaka ang nakasungkit ng ika-9 na puwesto sa crimin0logy licensure exam kamakailan
  • Kahit hindi natapos ni Adrian Mandawe ang review courses ay nagsikap pa rin siyang mag-aral
  • Payo niya sa mga katulad niyang gustong guminhawa ang buhay, ‘Aim high since dreaming is free’

Isa na namang Pilipino ang nagpatunay na hindi hadlang ang kahirapan kung nais magtagumpay matapos niyang masungkit ang ika-9 na puwesto sa nakalipas na crimin0logy licensure exam.

Imahe mula sa Facebook | Adrian Mandawe

Anak ng mga magsasaka ang 21 anyos na si Adrian Mandawe, tubong Zamboanga del Sur. Dahil kapos, nang makapagtapos sa Western Mindanao State University ay hindi na nakumpleto ni Mandawe ang review course at 15 araw lamang ang napuntahan niya rito dahil ito lang daw ang kaya ng pamilya. Nagbayad siya ng P8,000 para rito.

Sa kabila nito, hindi siya pinanghinaan ng loob at nagsikap pa ring mag-aral. Sabi niya sa isang panayam ng Inquirer, 12 oras siyang nag-aral araw-araw sa loob ng limang buwan upang paghandaan ang pagsusulit na kinuha niya sa Cagayan de Oro noong Nobyembre.

Hindi naman nasayang ang kaniyang pagsisikap dahil nang lumabas ang resulta kamakailan ay nalaman niyang napabilang siya sa Top 10. Nakakuha siya ng 89.9 percent at Top 9 sa 19,000 na nakapasa sa exam.

Imahe mula sa Facebook | Adrian Mandawe

“I am the first professional in the family and all I wanted is to uplift our living condition,” sabi umano ni Mandawe sa Inquirer. Ang mga magulang niya raw ay kapwa magsasaka at siya pa lamang daw sa kanilang pamilya ang may college degree. Mayroon siyang anim na kapatid.

Target daw sana niyang makuha ang Top 1 pero masaya pa rin daw siya sa nakuhang puwesto lalo na at pinagsikapan niya itong makamit. Payo niya sa mga kagaya niyang nangangarap na umangat sa buhay, “Aim high since dreaming is free.”

Dapat din daw na umiwas sila sa mga bisy0 at mag-focus na lang sa pananampalataya sa Diyos at sa kanilang goals.

Loading…