Alamin ang magiging ‘kapalaran’ ng paborito ninyong Kapamilya love teams sa 2020, ayon kina Stargazer at Jovi Vargas

Imahe mula sa Instagram | Enrique Gil, James Reid, at Kathryn Bernardo
  • Sa pagpasok ng bagong taon, sinu-sino kayang mga sikat na Kapamilya love teams ang muling magniningning?
  • Nagbigay ng prediksyon dito ang mga psychic at fortune teller na sina Stargazer at Jovi Vargas
  • Ilan sa mga love teams na tinignan nila ay ang LizQuen, JaDine, at KathNiel

Ang panibagong taon ay panibagong pagkakataon na naman para sa mga artista na pag-ibayuhin ang kanilang career o ‘di kaya naman ay ang kanilang personal na buhay.

Imahe mula sa video ng Magandang Buhay via YouTube

Sa isang episode ng Magandang Buhay ay nagbigay ng prediksyon ang psychic na si Stargazer at fortune teller na si Jovi Vargas sa magiging takbo ng buhay at career ng mga sikat na Kapamilya love teams na LizQuen, JaDine, at KathNiel.

LizQuen

Ayon kay Stargazer, kailangang maging mapili si Liza Soberano sa kung ano ang tatahakin niyang direksyon sa buhay. “Time to do away with the past and move on to a better future. Plan with someone na very, very professional para magkaroon ng turn of events ang kaniyang career na maganda,” sabi ng psychic.

May bagong opportunity rin daw na naghihintay kay Enrique Gil. “’Yung tandem is always there pero kailangan niyang meron siyang tahaking bagong landas,” saad ni Stargazer. Prediksyon naman ni Jovi, hindi masyadong magiging active ang tambalang LizQuen sa taong ito pero ang buwan ng Mayo raw ay magiging maganda dahil may paparating silang proyekto.

JaDine

Imahe mula sa Instagram | Jame Reid

Pinag-usapan din nila ang prediksyon sa JaDine na kamakailan lamang ay napabalitang hiwalay na ngunit wala pang opisyal na confirmation galing sa kanila.

Kay James Reid daw, dapat nitong alamin kung ano ang gusto niyang maging focus para sa 2020. “The focus is very important kasi medyo nag-iiba iba ng landas. Kailangan niyang humanap ng tamang landas,” sabi ni Stargazer. Ganito rin ang sinasabi ni Jovi. Dapat daw piliin ni James ang tamang proyekto upang maging maganda ang taon para sa kaniya.

Magiging maganda naman ang taong 2020 para kay Nadine Lustre dahil maraming proyekto na darating pero kailangan daw niyang ingatan ang kaniyang kalusugan. Kaya payo ni Stargazer, kapag hindi na kaya ng katawan niya ay kailangan na niyang tumanggi. Sang-ayon dito si Jovi  na tinawag na “best year” ni Nadine ang 2020. Ang payo naman niya kay Nadine ay mag-ipon.

KathNiel

Ito raw ang tamang taon upang simulan ni Daniel Padilla na mag-aral. “It is a perfect time to study, improve. This is the perfect timing to focus on his own life to become better in the future,” sabi ni Stargazer. Kung may mga parating na proyekto raw o business opportunities, dapat daw ay pasukin ito ni Daniel nang mag-isa. Ganito rin ang nakikita ni Jovi na sinasabing mataas ang pangarap ni Daniel.

Samantala, masusubok naman daw ang mga relationships ni Kathryn ngayong taon. Ang dapat niya raw na maging response dito ay ang maging kalmado. “Kahit na anong relasyon, hindi lang naman ‘yung love. So kahit anong relasyon, kailangan lang niya ito ‘yong chill lang na taon,” saad niya.

Samantala, nagbabala naman ang dalawa na posible raw maging kontrobersyal na taon ito para sa mga Kapamilya actors at actresses na sina Xian Lim, Kim Chiu, at Gerald Anderson.

Source :

YouTube

Loading…