Alay ni Bro. Bo Sanchez para sa mga nasalanta ng pagsabog ng Bulkang Taal: “A Prayer for Things We Cannot Control”

  • May mensahe ang inspirational speaker na si Brother Bo Sanchez para sa lahat, lalo na sa mga naapektuhan ng pagsabog ng Bulkang Taal
  • Alay niya para sa lahat ang isang panalangin
  • Hinikayat niya ang lahat na ipagpatuloy ang pagdarasal para sa kaligtasan ng lahat

Hindi pa man nangangalahati ang Enero at pagpasok ng taong 2020, ginulat ang buong Pilipinas ng muling paggising mula sa ilang dekadang pagkakahimbing ng Bulkang Taal sa Batangas, na nag–alburoto nitong Linggo, Enero 12, 2020, at nagpakawala ng mga abo at nagdulot ng sunod-sunod na pagyanig.

Kaya naman, panalangin ang alay ni  inspirational speaker na si Bo Sanchez, founder ng “The Feast” at Kerygma para sa mga kababayang nasalanta ng pagputok ng Bulkang Taal nitong Linggo, Enero 12, 2020 na nanalasa sa iba’t ibang mga bayan sa Batangas at karatig–lalawigan.

Public Domain Image

Sinikap ni Bro. Bo na ipaliwanag ang mga nangyayari ngayon, kaugnay ng pagsabog ng Taal, batay sa kaniyang mahabang Instagram post. Alay niya umano ito para sa lahat, na pinamagatan niyang “PRAYER FOR THINGS WE CANNOT CONTROL”.

Sa panahon daw ngayon ng robots, artificial intelligence, at milk tea pearl shakes sa lahat ng sulok ng kalye, wala pa rin daw makababatid kung kailan mag–aalburoto ang isang bulkan, gaya ng Taal.

Nagbigay pa ng kaunting kuwento si Bo patungkol sa kaniyang sarili. Ginamit niyang halimbawa ang kaniyang lola.

“Oh yes, because of our intelligence, we now control a bigger chunk of our universe. For example, when my great grandmother wanted to control the temperature at home, she would fan herself like crazy with her abaniko and drink copious amounts of water from her tapayan. But today, I can actually determine the exact temperature I want in my room by the remote control of my AC,” saad niya.

Imahe mula sa Instagram account ni Bo Sanchez

Sa pagpapatuloy, “But even if all that happens, I bet there will always be many things we cannot control… Bottomline, I can’t control everything.”

Nagbigay siya ng tatlong puntos kung ano ang aral na makukuha natin sa mga bagay na hindi kontrolado.

Una, tinuturuan tayo nito ng kababaang-loob. Pangalawa, tinuturuan tayo nitong magtiwala sa Diyos, at pangatlo, tinuturuan tayo nitong magsilbi para sa ating kapwa sa pamamagitan ng pagbibigay ng kalinga, paglingap, at pagmamahal.

Hinikayat niya ang lahat na ipagpatuloy lamang ang pagdarasal, at nag–iwan din siya ng panalangin para sa lahat.

“Lord, first of all, we pray for all those affected by the Taal Volcano eruption. I pray for Your comfort and strength for each of them. I also pray for protection for people who are in harms way,” bahagi ng panalangin ni Bro. Bo.

Sa lahat ng ating mga kababayan, ipagpatuloy ang pananalangin para sa kaligtasan ng lahat.

Loading…