Alternatibo ng mga Thai sa pagbabawal na gumamit ng plastik sa grocery, kinaaliwan

  • Kinaaliwan ng mga netizen ang mga larawang nagpapakita ng iba’t ibang alternatibong naisip ng mga Thai sa pamimili sa mga convenience store sa halip na plastik
  • Karamihan sa kanila ay gumamit ng sako, timba o balde ng tubig, isang compartment na yari sa fishnet, at ang pinakamatindi, isang malaking basket na nakalagay sa isang trolley o cart
  • Marami naman ang nagsabing maaari din naman itong gawin sa buong Pilipinas

Isa sa mga suliranin hindi lamang ng Pilipinas kundi maging ng buong daigdig ang labis na pag–init ng daigdig o global warming. Kaya ang naging solusyon ng maraming bansa—bawasan ang pagkonsumo ng plastik upang mabawasan din ang paggawa nito, na nakadaragdag sa greenhouse effect. Kabilang dito ang bansang Thailand.

Kaya naman, kinaaliwan ng mga netizen ang naging alternatibong hakbang ng mga Thai kapag sila ay magtutungo sa grocery upang mamili ng mga pangangailangan. Sa halip na plastik, marami silang naisip na maaaring gamitin upang mabitbit ang kanilang mga pinamili. Makikita ito sa Facebook page na “ThaiVisa–The Nation Thailand News”.

Imahe mula sa Facebook page ng ThaiVisa–The Nation Thailand News

Makikita sa mga larawan na karamihan sa kanila ay gumamit ng sako, timba o balde ng tubig, isang compartment na yari sa fishnet, at ang pinakamatindi, isang malaking basket na nakalagay sa isang trolley o cart.

Nagkomento naman ang mga netizen hinggil dito. Sabi ng isa, “I love the idea! Sana tuloy–tuloy lang. Ang pinakamatindi at pinakaastig ay yung nagdala ng malaking shopping basket hahahaha. Kailangan ba talagang ganoon?”

“Pwede naman ang timba at eco–bag, pero yung sako? Grabe naman. Parang masyado namang abang–aba. Hindi naman sa nangmamaliit ah,” turan naman ng isa.

Pahayag naman ng isa, “Tama iyan. Dapat sa Pilipinas ganiyan na rin. Bawal ang plastik, at dapat maging consistent.”

Imahe mula sa Facebook page ng ThaiVisa–The Nation Thailand News

Marami naman ang nagsabing sa Pilipinas ay maaari din naman itong gawin. May mga munisipalidad na nagbawal na sa paggamit ng plastik katulad ng Quezon City. Inirerekomenda ang paggamit ng bayong o eco–bag kapag namimili sa mga palengke o supermarket upang makatipid, o kaya’y masawata ang pagkonsumo sa plastik.

Source :

Facebook

Loading…