Ang galing! Nakasakay ka na ba sa karitelang hila ng mga kambing?

  • Namangha ang mga netizens sa lumang larawan na nagpapakita ng paghatak ng mga kambing sa isang karitela
  • Nasanay kasi ang mga tao na ang mga hayop na ginagamit sa paghatak nito ay kalabaw, baka, o kabayo
  • Tinatawag na “rickshaw” ang mga karitelang may dalawa o tatlong gulong na maaaring sakyan ng mga tao, o paglagyan ng mga gamit upang maipadala o mailipat sa ibang lugar

Sanay tayong makasakay o makakita ng karitela, kariton, o caravang bitbit ng mga kalabaw o baka sa lalawigan. Sila ang nakatutulong ng mga magsasaka upang mapagaan ang kanilang trabaho sa bukid. Sila ang katuwang ng mga nagbebenta upang mailako ang kanilang mga paninda patungong bayan.

Kaya naman, namangha ang mga netizens nang makakita ng larawan ng mga kambing na humihila ng karitela, na ibinahagi ng isang Facebook user na si Spark Rosal sa Facebook page na “Memories of Old Manila”.

Imahe mula sa Facebook page na Memories of Old Manila

Batay sa kaniyang Facebook post, ang larawan ay kuha umano noong 1910. Katunayan, black and white pa ito o walang kulay.

Hindi naman maiwasang magkomento ng mga netizens hinggil dito. Sabi ng isa, “Marunong pala manghila ang mga kambing noon, bakit hindi nila i–try ngayon kaysa ginagawa lang silang caldereta o papaitan.”

Nagbigay naman ng kaniyang palagay ang isang netizen. “Nag–evolve na mga kambing ngayon, maliliit at payat na sila kaya sa tingin ko hindi na kaya maghila ng mabigat, kaya kinakain na lang ng mga tao ngayon.”

“Those were the days. We will never see the likes of this again in real life,” komento naman ng isa.

Noong unang panahon, tinatawag na “rickshaw” ang mga karitelang may dalawa o tatlong gulong na maaaring sakyan ng mga tao, o paglagyan ng mga gamit upang maipadala o mailipat sa ibang lugar. Noon, mga tao ang humahatak nito. Ngunit sa paglipas ng panahon, natutuhan ng mga tao na gamitin ang mga hayop gaya ng aso, kalabaw, baka, kabayo, kamelyo, tupa, at kambing sa paghatak nito.

Sa kasalukuyan, bihira na lamang gumamit ng mga kambing sa paghatak ng rickshaw, karitela o kariton dahil mas “pinagkakatiwalaan” na ang mga hayop na may mas malalaking kaha ng pangangatawan tulad ng kalabaw, baka, at kabayo. Ang cute, hindi ba?

Public Domain Image

Loading…