Angel Locsin nababagay na maging DSWD secretary, ayon kay Agot Isidro

  • Muling nasaksihan ng mga Pilipino ang busilak na puso ni Angel Locsin
  • Simula nang mag-alboroto ang bulkang Taal, agad na nagbigay ng tulong ang artista
  • Lubos na hinahangaan ni Agot Isidro si Angel kaya naman may panawagan siya para rito

Literal na isang anghel sa lupa si Angel Locsin dahil sa busilak nitong puso at sa walang sawang pagtulong sa mga kababayang Pilipino lalo na sa panahon ng sakuna.

Imahe mula sa Instagram account ni Angel Locsin

Madalas ay palihim kung magbigay ng tulong si Angel dahil hindi naman niya hinahangad ang kahit anong pagkilala, at ang mahalaga sa kanya ay nakatutulong at nakapagbabahagi siya.

Ngunit minsan ay hindi maiiwasan na ang taos-puso niyang pagkakawang-gawa ay nakararating sa social media at sa mga balita dahil na rin sa mga taong nais magpasalamat sa kanya.

Nitong nakaraang buwan lamang ng Disyembre ay naglabas ang Forbes ng kanilang listahan para sa “Asia’s 2019 Heroes of Philanthropy: Catalysts for Change.” Sa bansang Pilipinas, si Angel Locsin at si Han Sy lamang ang napabilang sa listahan.

Hindi maikakaila ang naging pamantayan ng Forbes sa pagpili kay Angel lalo na at siya ay aktibo sa kanyang mga charity work. Isa sa itinampok ng Forbes sa naturang listahan ay ang pagtulong ni Angel sa mga residenteng naapektuhan ng lindol sa Mindanao noong Oktubre 2019 kung saan siya ay nagbigay ng isang milyong piso na donasyon at nagpadala rin ng relief goods.

Simula nang isagawa ni Angel ang kanyang pagtulong sa mga kababayan, lalo na sa mga nasalanta ng sakuna, mahigit labinlimang milyong piso na ang kanyang naibigay na donasyon.

Nitong mga nakaraang araw lamang ay naharap na naman ang ilan sa ating mga kababayang sa matinding pagsubok nang magsimulang mag-alburoto ang bulkang Taal. Walang sinayang na oras si Angel at agad na nangalap ng impormasyon sa Twitter upang malaman kung ano ang mga kailangan at dapat niyang ibigay na tulong.

Anyone here na may na-conduct na assessment kung anong mga kailangan, anu-anong barangays at ilang families per barangay? Thank you. #Taal,” ayon sa kanyang tweet.

Ni-repost naman agad ni Agot Isidro ang naturang tweet kasama ng kanyang caption na: “Ang anak kong si Lyka for DSWD Secretary please.”

Marami ang sumang-ayon kay Agot. Sagot ng isang Twitter user, “Pwede gawing safekeeper si @143redangel ng Calamity Fund? Mas panatag ang loob ng bayan.”

Magkatotoo man ang panawagan ni Agot o hindi, maraming naniniwala na patuloy ang gawaing pagtulong ni Angel. Masuwerte ang mga Pilipino na may katulad ni Angel na handang magbigay ng tulong na walang hinihinging kahit anong kapalit.

Loading…