Angkas posibleng ma-blacklist sa motorcycle taxi program dahil sa mga paglabag – TWG

  • Angkas motorcycle taxi company posibleng ma-blacklist
  • Sinabi ng TWG na maraming paglabag ang Angkas sa guidelines ng extended pilot test run
  • Isa sa mga paglabag ng Angkas ay ang pagpasada sa mga lugar na hindi sakop ng pilot testing areas

Posibleng ma-blacklist ang Angkas motorcycle taxi company at hindi na payagang pumasada dahil sa mga paglabag nito sa ilang probisyon sa guidelines ng isinasagawang pilot study sa mga motorcycle taxi.

Imahe mula sa Angkas

“Meron kasi kaming sinet na guidelines at nandun sa guidelines ‘yung provision for blacklisting. Very possible for them to be blacklisted on their violation of the guidelines,” sabi ni Inter-Agency Motorcycle Taxi Technical Working Group (TWG) chairman at member ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) na si Antonio Gardiola.

Sinabi ni Gardiola na bagaman at pinapayagan pa ring sumali ang Angkas sa extended motorcycle taxi pilot implementation program, maaaring hindi na payagan ang operasyon nito kapag nailatag na ang mga regulasyon sa motorcycle industry.

“Once the government legalized the industry, Angkas’ application may be challenged,” aniya.

Kabilang sa nilabag ng Angkas ay ang pagbiyahe nito sa mga lugar na hindi sakop ng pilot testing areas.

Natuklasan umano ng mga operatiba ng LTFRB na nagpanggap na “mystery passengers” na pumapasada sa Cagayan De Oro (CDO) at sa General Santos City ang Angkas.

Screenshot mula sa video ng Rappler

“First is the pilot areas which are areas na dinetermine ng TWG ay Cebu only and Metro Manila. But then it was confirmed already…through the operation of the LTFRB in CDO that they were operating… that they were hailing passengers. They are also operating in General Santos City,” ani Gardiola.

“That is one blatant violation of the guidelines…clearly violating the guidelines of the TWG,” dagdag pa niya.

Sinabi pa ng TWG na marami pang paglabag ang Angkas kabilang na ang paggamit ng hindi awtorisadong safety gears at patuloy na paniningil ng surge fees.

Ang extended pilot test run ay hanggang sa March 23, 2020. Pagkatapos nito ay isusumite ng TWG sa Kongreso ang mga datos na nakalap sa pag-aaral upang madesisyunan kung makapapasa ang mga motorcycle taxi bilang bagong public utility vehicle.

Imahe mula sa Angkas

Loading…