Anne Curtis, nagbahagi ng mashup dance video ng ‘Tala’ at ‘Linamnam Ulam’ kasama si Sarah Geronimo

Imahe mula sa video ni Anne Curtis via Facebook
  • Sikat na sikat ngayon ang Tala Dance challenge ni Sarah Geronimo
  • Maging ang preggy na si Anne Curtis ay nagbahagi ng throwback video nila ni Sarah sa concert niya noong 2016
  • Mashup ito ng kanta ni Sarah na Tala at ng ad niya na ‘Linamnam Ulam’

Hindi maikakaila ang pagiging popular ngayon ng awitin ni Sarah Geronimo na Tala bagama’t noong 2016 niya pa ito inilabas. Sa social media, maging ang mga sundal0, guro, pulis, buntis, at may kapansanan ay hindi nagpapahuli sa pagkasa sa Tala Dance challenge.

Imahe mula sa video ni Anne Curtis via Facebook

Ngunit hindi pa tapos ang Tala fever para kay Kapamilya host at actress na si Anne Curtis na tila ayaw magpahuli sa trend kahit preggy. Sa katunayan, nagbahagi pa siya ng throwback ng performance nila ni Sarah noong 2018 dahil hindi pa raw siya pwedeng gumawa ng sariling cover niya ngayon.

“Since I can’t do my own cover just yet kasi baka bigla akong manganak… Sharing my surprise mashup I did with my fave pop star SG back in 2018 during my last concert in celebration of my 21st anniversary,” sabi niya.

Ngunit iba ito sa lahat ng mga dance cover dahil ginawa nila ang mashup ng Tala at Linamnam Ulam, ang ad ni Anne para sa isang fastfood restaurant. Puno rin siya ng papuri para kay Sarah.

“I was so excited, nervous, and happy (obvious naman sa mukha ko) to share the stage with her! You’ll see her prowess when she does her thing on stage!!!!! NAPAKAGALING,” sabi ni Anne.

Susubukan pa rin daw niyang gumawa ng sarili niyang Tala Dance kapag nasa ika-36th week na siya. “Let’s see baka pag nasa 36th week na ako, I’ll give it a try. Ayaw paawat! Thank you SG for sharing this moment with me,” saad pa niya sa caption.

I-click ang imahe para mapanood ang video via Facebook

Natuwa naman ang netizens sa ibinahaging video na ito ni Anne. “Wow…yung burger steak song ng Jollibee sa Tala pala ‘yun kinuha. Now I know na,”sabi ni R. Badenas. Si M. Limare naman daw, nakangiti habang pinanonood ang buong video. Payo naman ng isang netizen, hintayin na muna ni Anne na makapanganak siya bago niya gawin muli ang Tala Dance challenge.

Isa ka rin ba sa mga nahuhumaling sa dance challenge na ito?

Source :

Facebook

Loading…