Anne Curtis, nananalangin para sa kaligtasan ng lahat ng apektado sa pag-aalburoto ng Bulkang Taal

  • Maraming mamamayan, sa maliit o malaki nilang gawa, ang tumutulong sa mga residenteng apektado sa pag-aalburoto ng Bulkang Taal
  • May mga nagdarasal din para sa kaligtasan ng lahat at nagpapaalala sa mga dapat o hindi dapat gawin sa mga ganitong sitwasyon
  • Isa ang aktres na si Anne Curtis sa mga nananalangin at naghahangad sa kaligtasan ng lahat 

Nagsimulang mag-alburoto ang Bulkang Mayon noong Linggo, Enero 12, 2020. Nagbubuga ito ng mga abo na bumalot sa mga kalapit na lalawigan o bayan ng bulkan.

Pinalikas na rin ang mga residenteng direktang apektado ng kalamidad kaya lalong nagmistulang “ghost town” ang mga pook na nababalot na ng makakapal na abo.

Imahe mula kay Exec8 / Wikipedia

Maraming mamamayan, sa maliit o malaki nilang gawa, ang tumutulong sa mga biktima ng kalamidad. May mga nagdasal din para sa kaligtasan ng lahat at nagpaalala sa mga dapat o hindi dapat gawin sa mga ganitong sitwasyon.

Kabilang na rito ang aktres na si Anne Curtis na nananalangin para sa kaligtasan ng mga apektadong residente.

“Praying for all of those who have been affected by the Taal Volcano eruption in the Philippines yesterday. Hope everyone living close by were able to evacuate in time,” pahayag ni Anne sa kaniyang Instagram post.

Nanawagan din ang aktres na sumunod sa mga instruksiyon ng mga awtoridad o lokal na pamahalaan para na rin sa kaligtasan ng lahat.

“Please take all necessary health precautions as instructed by the LGU’s for yours and your family’s safety,” dagdag pa ni Anne.

Tulad din ng rekomendasyon ng iba, pinaalala rin ni Anne na mas makabubuti na manatili na lamang sa loob ng bahay habang may ashfall.

May kalakip ding larawan/poster ang kaniyang Instagram post na nagpapaalala kung paano mapangangalagaan ng bawat isa ang kani-kanilang sarili, maging ang kanilang pamilya. Ang mga paalalang ito ay nagmula sa World Health Organization-Philippines.

Imahe mula sa Facebook page ni Anne Curtis

“Stay indoors if you must. I heard the ashfall reached various parts of the Metro last night and it can be quite hazardous to your health. Swipe to see how you can properly take care of yourselves and family,” paliwanag ni Anne.

Nakiusap din si Anne na isama at iligtas din ang mga alagang hayop.

“Please don’t forget your fur babies too,” pagwawakas ni Anne.

Source :

Instagram

Loading…