Answered prayer: Ulan nagdala ng ‘temporary relief’ sa Australia

Imahe mula sa SkyNews at Unsplash
  • Nagdulot ng ‘temporary relief’ sa mga residente at bumber0 ang pag-ulan sa ilang bahagi ng Australia na apektado ng bushfire
  • Sagot umano ito sa panalangin ng publiko para sa ulan na makatutulong sa sitwasyon ngayon doon
  • Tinatayang aabot sa mahigit 480 million hayop ang apektado ng sun0g na nagsimula noong Setyembre 2019

Ilang araw nang laman ng mga balita ang nangyayaring wildfire ngayon sa Australia. Ipinapangamba ng marami ang posibilidad na maabo rin ang ilang itinuturing na ‘endangered species’  ng mga hayop doon.

I-click ang imahe para mapanood ang video via Facebook | Michelle La Colombiana

Kaya naman magandang balita para sa lahat ang pag-ulan doon na ikinatuwa ng mga bumbero at volunteers. Ang netizen na si Michelle La Colombiana, nagbahagi pa ng video na nagpapakita sa mga bumbero na nagdiriwang habang bumubuhos ang ulan! Labis na kasiyahan ang hatid nito sa mga tagaroon at sa mga nakaabang sa mga kaganapan.

Ayon sa news.com.au, nakatulong ang pag-ulan upang maibsan ang kondisyon sa ilang lugar. Ang isang residente nga raw, tinawag na heaven-sent ang ulan. Ngunit pansamantala lamang umano ang relief na ito dahil ayon kay Prime Minister Scott Morrison, ilang buwan pa raw ang sasapit bago tuluyang matapos ang bushfire, ayon naman sa Sky News.

Imahe mula sa video ng SkyNews via Facebook

Tinatayang aabot umano sa mahigit 480 million mammals, ibon, at mga reptiles ang napahamak na ng sun0g na ito na nagsimula pa noong Setyembre 2019, ayon sa University of Sydney.

“Many of the affected animals are likely to have been killed directly by the fires, with others succumbing later due to the depletion of food and shelter resources and predation from introduced feral cats and red foxes,” sabi ng University of Sydney.

Marami na ang nagsimula ng kani-kaniyang paraan upang makatulong dito.

Si Miss Universe 2018 Catriona Gray ay nagbahagi ng panalangin para sa Australia. “I pray for rains that would come and dispel the fires that are raging. I pray for your protection over the land, all of its people, their families and wildlife,” sabi niya. Hinimok din niya ang publiko na tumulong at mag-donate sa mga biktima nito.

Tuluy-tuloy pa rin daw ang dagsa ng tulong maging sa mga naging biktima rin ng sun0g na ngayon ay nagpasya nang maging volunteers.

Nawa’y muling umulan at magpatuloy pa ang pagsawata sa nakalulungkot na pangyayaring ito sa bansa. Panalangin para sa Australia.

Loading…