Arci Muñoz, bumuwelta sa netizens na kumuwestiyon sa kaniyang mga gastos bilang BTS fangirl

  • Isa ang aktres na si Arci Muñoz sa masusugid na tagahanga ng Korean band na BTS
  • Sinasadya ni Arci ang pagpunta sa mga bansa kung saan magtatanghal ang sikat na Korean boy band
  • Gayunman, hindi pinalampas ng mga bashers kung paano rumaraket ang aktres para masustentuhan nito ang kaniyang mga pagbiyahe sa ibang bansa para lang makita ang BTS

Kilala si Arci Muñoz bilang masugid na tagahanga ng Korean band na BTS (Bangtan Boys). Mahilig mangibang-bansa si Arci para lang makita ang kaniyang mga iniidolong Koreano sa mga pagtatanghal ng mga ito sa iba’t ibang bansa.

Sinalubong nga ni Arci ang Bagong Taon sa New York City kung saan idinaos ang New Year’s Eve Countdown sa Times Square Plaza. Guest doon ang BTS.

Imahe mula sa Facebook page ni Arci Muñoz

Sa isang larawang ipinaskil ni Arci sa kaniyang Instagram account kung saan nagpapahiwatig na siya ay na New York City, isang netizen ang nagkomento roon na tila hindi nagustuhan ng aktres.

“How do you afford all these? Travelling every now and then, and following them boys,” ayon sa isang netizen.

Nagreply si Arci ng “I work my ass off. Duh?”

May iba pang netizens na nagreply sa thread na iyon na tanong ng unang netizen. May mga natuwa sa pagiging prangka ni Arci, mayroon ding nadismaya sa paraan ng pagsagot nito.

May isa pang isinagot si Arci sa thread na iyon: ” Lemme get this straight. It’s my goddam hard earned money I do whatever I want with it. BTS makes me so happy. And so I do whatever makes me happy. Now, tell me how my answer seems so bad to ya?! Huh?! Tell me?!”

May mga netizens din naman na ipinagtanggol si Arci at itinuturing na basher ng aktres ang kumukuwestiyon kung paano natutustusan ni Arci ang kaniyang pagiging avid fan ng BTS.

Gayunman, lalo pang dumami ang mga netizens na sumagot sa thread na iyon na nagbibigay-diin sa hindi magandang paraan ng pagsagot ng aktres sa social media.

“How is that a rude answer?! Tell me?” at “Who the f*ck are you to tell me what to and not to say?! Huh?!!” ang dalawa pa sa sagot ni Arci na hindi magandang tingnan sa isang artista.

Imahe mula sa Facebook page ni Arci Muñoz

“Girl, be humble. Huwag masyadong feeling bad*ss magreply. Nasa showbiz world ka. Well, good luck sa career,” komento ng isa.

Mukha namang bumawi si Arci at sa isa pang Instagram post ay ibinalita niya na bilang bahagi ng kaniyang kaarawan sa taong ito ay pipili siya ng isang Filipino fan ng BTS na isasama niya sa susunod na BTS trip niya.

Loading…