Ashfall artwork: Babae ginamit ang mga abo upang ipinta ang karanasan ng mga kababayan sa Batangas

Imahe mula sa Facebook | Janina Sanico
  • Ginamit ng isang babae sa Batangas ang mga ashfall upang maipinta ang kalagayan ngayon ng kaniyang mga kababayan
  • Ayon kay Janina Sanico, galing sa mga halaman nila ang mga ashfall na ginamit niya
  • Paraan niya raw ito upang ipakita ang kaniyang pagmamahal para sa kaniyang bayan at maging sa Bulkang Taal

Isang babae ang humugot ng inspirasyon sa kalagayan ng mga kababayan sa Batangas na naapektuhan ng pagsab0g ng Bulkang Taal upang makagawa ng mga obra.

Imahe mula sa video ng State of the Nation with Jessica Soho via Facebook

Ayon sa State of the Nation with Jessica Soho, lumilind0l noon sa Tanauan nang maisipan ni Janina Sanico na gamitin ang mga ashfall na nasa kanilang halaman para sa kaniyang art work. Sinasalamin ng kaniyang mga gawa ang naranasan nila kagaya ng pag-aalburoto ng Bulkang Taal at ang fish kill.

Ibinahagi rin na Janina sa kaniyang Facebook ang mga nagawang painting na ibinebenta niya raw upang makatulong sa mga bakwit na apektado ngayon ng kaganapan sa Bulkang Taal.

“Mixed emotions ako ngayon kasi my [first three] paintings done this 2020 are made from ash from Taal Volcano instead na mga natural plants ang gamit ko,” sabi niya sa kaniyang Facebook.

Ngunit hindi raw siya mapipigil ng sitwasyon na ito. Patuloy pa rin daw siyang lalaban at tutulungang makabangon ang mga kapwa Pilipino. “Kailangan pa ring lumaban at magpatuloy upang mas makatulong pa tayo. Laging tingnan ang positive side,” aniya.

Imahe mula sa Facebook | Janina Sanico

Natuwa rin siya dahil sa mga positibong reaksyon sa kaniyang painting kagaya na lamang ng ulat ng GMA News tungkol sa kaniyang ginawa.

“This segment is dedicated sa mga taong patuloy na lumalaban at nabubuhay nang may tapang sa gitna ng sakuna dulot ng Taal Volcano erupti0n. Para rin ito sa mga taong patuloy na nagiging positibo sa journey na hinaharap natin ngayon,” sabi ni Janina.

Dagdag pa niya, “Ang ashfall painting ay hindi lang isang sining na kakaiba kung hindi isang paraan ko na nagpapakita ng aking pagmamahal sa ating probinsya at sa puso nito, ang Taal Volcano.”

Loading…