Bago nagkaroon ng ‘Messenger,’ meron munang handwritten love letters

Imahe mula sa Facebook | Juan Nieve
  • Pinag-uusapan ngayon sa social media ang liham ng isang lolo sa kaniyang asawa
  • Ibinahagi ito sa Facebook ng apo nilang si Juan Nieve
  • Taong 1963 pa ang mga liham na ito at dahil sa tagal ay naninilaw na ang papel

Malaking tulong ang Internet lalo na sa mga pamilya na magkakalayo dahil nakatutulong ito upang magkaroon sila ng koneksyon.

Sa panahon ngayon na digital na halos lahat, bihira na ang makatanggap ng sulat mula sa kanilang mga minamahal. Kadalasan kasi, ipinapadala na ang mga mensahe sa pamamagitan ng Facebook at Instagram posts o kaya naman ay sa pamamagitan ng “Messenger.”

Imahe mula sa Facebook | Juan Nieve

Kaya naman maraming mga netizens ang natuwa sa ibinahaging larawan ng Facebook user na si Juan Nieve.

Makikita rito ang makapal na mga liham ng kaniyang lolo para sa kaniyang lola. Taong 1963 pa ang ilan sa mga ito kaya naman naninilaw na ang papel. Gayun pa man, dahil handwritten ito ay hindi mawawala ang personal touch ng kaniyang lolo rito.

Ang ipinakita niya sa larawan, na ngayon ay may 36k reactions at 45k shares na, ay isinulat ng kaniyang lolo noong February 12, 1963. Sabi ng bahagi nito: “Mahal ko, Binabati kita ng magandang araw sa pagtanggap mo ng aking liham na ito.”

Dahil kakaunti na lang ang nagsusulat ng mga liham ngayon, marami ang natuwa rito. Ang ilang netizens, napansin pa ang malalim na Tagalog na ginamit daw ni lolo. “Ito yung panahon wala pang gadgets puro sulat kamay lang at wala pang chat,” komento naman ni I. Wolzkbin.

Imahe mula sa Facebook | Juan Nieve

May mga kabataan naman na nagkomento rito at itinag ang kanilang mga kasintahan dahil gusto rin daw nilang makatanggap ng ganitong mga liham nang sa gayon ay may babalikan sila pagdating ng araw.

Si AJ D, sinabing hanggang ngayon ay nagbibigay pa rin siya ng sulat sa kaniyang girlfriend tuwing may espesyal na okasyon. “A love letter to my girlfriend every monthsary or special occasions,” sabi niya.

Si G. Bautista naman, itinag ang boyfriend at sinabing lagyan niya ng date ang mga sulat niya tulad ng nasa post.

Kailan ka huling nakatanggap ng sulat?

Source :

Facebook

Loading…