Baka makahawa: Repatriation ng mga Pinoy mula sa China dapat pag-isipang mabuti – Panelo

  • Repatriation ng mga Pinoy mula sa Hubei, China dapat pag-isipang mabuti
  • Mas makabubuting manatili na lang doon ang mga Pinoy at sundin ang health protocols ng Chinese government, sabi ni Sec.  Sal Panelo
  • Sinabi ng DFA na nakahanda na ang 2 eroplano para sunduin ang mga Pilipino sa China

Kung si Presidential Spokesman Salvador Panelo ang tatanungin, mas nanaisin niya na huwag na munang pauwiin ang mga Pilipino na sa Hubei Province sa China – ang ground zero ng novel coronavirus (nCoV).

Screenshot mula sa video ng UNTV

Mas makabubuti raw kung susundin na lang ng mga Pinoy na nasa lugar sa China na naka-lockdown ang mga health protocols ng local government kung saan sila naroroon. Ito ay upang hindi na sila ma-expose sa panganib na dala ng nCoV.

May posibilidad daw na makapitan pa ng nCoV ang mga Pinoy kung lalabas pa sila upang magtungo sa paliparan para makauwi sa Pilipinas.

“Now, with respect to the travel restriction and those who want to be repatriated here, we have already said that it might be difficult to repatriate them because we might even be risking them to contamination. So the best thing, I suppose, is to let them stay there and follow protocols in China, whatever protocols they have,” anang tagapagsalita ni Pangulong Rodrigo Duterte.

“The problem nga is they might be opening themselves to contamination because when they leave there, they have to go to the airport and to ride in whatever. Pagdating dito, ganun din, baka lalong magkaproblema tayo,” paliwanag pa ni Panelo.

Sinabi pa ni Panelo na delikado rin para sa mga government officials na magtutungo sa China para sunduin ang mga Pinoy doon.

Screenshot mula sa video ng ABS-CBN

“Eh kung pagpunta mo doon you will be opening yourself to the virus, bakit ka pa pupunta roon? And those who are intending to go there should think of their own safety,”aniya.

Noong Martes, ika-28 ng Enero, sinabi ng Department of Foreign Affairs na nakahanda na ang dalawang eroplano na magtutungo sa Hubei Province para sunduin ang mga Pilipino doon.

“Secretary for Foreign Affairs @teddyboylocsin directed our consulate in Shanghai, China to immediately start processing Filipinos in Hubei Province who wish to be repatriated to PH,” sabi ni DFA Undersecretary Bridigo Dulay.

Ang mga Pilipinong uuwi mula doon ay isasailalim sa 14-day quarantine pagdating dito sa bansa.

Screenshot mula sa video ng ABS-CBN
Source :

Politiko, UNTV

Loading…