BALIKAN: Iconic photo ng Mt. Pinatubo eruption

Imahe mula sa video ng Manila Bulletin via YouTube
  • Kahit ilang taon nang hindi lumalabas upang magcover, hindi napigilan ni Alberto Garcia na tumulak patungo sa lugar na apektado ng pag-aalburoto ng Taal
  • Binalikan din niya kung paano niya nakuha ang larawan na nagpapakita ng lawak ng usok at abo na inilabas ng Pinatubo noon sa kabila ng kaguluhan
  • Ngayon ay iconic na ang larawan niyang ito at kinilala na rin maging sa ibang bansa

Naaalala mo pa ba ang iconic photo na ito nang sumab0g ang Mt. Pinatubo noong taong 1991?

Imahe mula sa video ng Manila Bulletin via YouTube

Kuha ito ng photojournalist na si Alberto Garcia na ngayon ay chief photographer na ng Manila Bulletin. Bagama’t hepe na ito ng Photo Section ng kanilang publikasyon, ang pangunahing tungkulin niya ay mamuno sa kanilang mga photojournalist. Ngunit hindi niya napigilan ang sarili na mag-volunteer na pumunta sa Tagaytay upang sa pagkakataong ito ay i-cover naman ang pag-aalburoto ng Bulkang Taal.

Kuwento niya sa isang artikulo sa Manila Bulletin, 2006 pa siya huminto sa paglabas upang mag-cover ngunit hindi niya mapigil ang sarili na tumugon sa tawag ng tungkulin.

“Hindi ko alam bakit ako tumulak noong makita ko yung expl0si0n kahapon. Gusto ko tumakbo kahit hindi pa ito ang major erupti0n. Hindi nga ako makatulog kasi gusto ko talagang pumunta…,” saad niya.

Sa video ng Manila Bulletin noong 2017, sinariwa ni Garcia ang karanasan nang personal niyang masaksihan ang pagput0k ng Pinatubo. “June 15 was the day when I thought I was gonna die and I thank God for giving me another chance to live,” sabi niya.

Ngunit nang tanungin kung handa ba siyang muling mag-cover ng ganitong kalamidad, sinabi niyang “palagay ko gagawin ko pa rin kasi ito yung buhay ko talaga at gusto kong gawin ito. Gusto kong makapagkuwento sa pamamagitan ng pagkuha ng litrato.”

Ibinahagi niya rin kung ano ang nasaksihan niya noong Mt. Pinatubo erupti0n. “There was a loud explosi0n and then suddenly there’s a huge ash going in our direction so bigla, takbuhan na kami nung makita namin na papunta sa area namin yung makapal na usok. Hindi talaga kami bubuhayin nung nakikita naming pyroclastic na papunta sa amin,” sabi niya.

Noong mga oras na iyon, ipinagpasa-Diyos na raw niya ang kapalaran ngunit nagdasal daw siya na huwag muna sana siyang mawala dahil bata pa ang anak niya. Nananalangin na rin daw siya na bigyan siya ng isang magandang kuha.

I-click ang imahe para mapanood ang video via YouTube

Habang nagkakagulo ang lahat, nanatili ang presence of mind niya at nagawa pang palitan ng 24mm na lente ang kaniyang camera upang maipakita ang lawak ng usok at abo na nakikita niya. “I was waiting for that blue van na mapunta sa gitna so I was waiting for that moment na mapunta siya sa gitnang gitna ng frame ko. I was able to make eight shots,” sabi niya.

Nang matiyak na ligtas na sila, nagdiwang daw ang mga kasama niya habang tahimik lamang siya at kinakapa ang film na noon ay nasa kaniyang bulsa.

“The first time na makita ko siya nung sinilip ko siya sa ilaw, isa lang ang sinabi ko e sabi ko ‘May paglalagyan itong litrato na ito.’”

Hindi nga siya nagkamali dahil naiuwi ng kaniyang larawan ang unang puwesto sa 1992 World Press Photo Competition sa Amsterdam. Napabilang din ito sa Great Images of the Century ng Asiaweek. Kinilala rin ito ng TIME Magazine bilang Great Images of the 20th Century.

“As a journalist, we have this moral obligation para ipaabot sa inyong mambabasa and we do what it takes for you to be fully informed,” sabi niya.

Loading…