BALIKAN: Mga natatanging patalastas na nagpaluha sa atin

Imahe mula sa video ng Pinoy TLC via YouTube
  • Hindi mawawala ang patalastas ng mga produkto sa telebisyon at social media
  • Ang ilan sa mga ito, hindi lamang nagpo-promote kung hindi kumukurot din sa pus0 ng mga manonood
  • Balikan ang ilan sa mga ito

Nauuso ngayon ang mga commercial na hindi lamang tuwirang ibinebenta ang mga produkto kung hindi kumukurot na rin sa pus0 ng mga manonood. Balikan natin ang ilang mga patalastas na nagpaluha sa atin.

Imahe mula sa video ng Pinoy TLC via YouTube
  1. Date – Jollibee

Sino bang makalilimot sa patalastas na ito ng Jollibee na nagpapakita sa isang bata na naghahanda ng surpresa sa kaniyang ina sa tulong ng mga panuto ng kaniyang ama? Detalyado ang mga bilin nito kagaya na lamang ng bilang at kulay ng mga lobo at parte ng manok na paborito ng kaniyang asawa.

Sa umpisa ay aakalain na overseas Filipino worker ang ama ng bata kaya sa pamamagitan ng video call na lamang niya susurpresahin ang asawa. Ngunit sa huli, ipinakita ang amang nasa 0spital na may malubhang sakit.

“Hi, Hon! Happy Valentine’s Day. Sorry, wala ko riyan. Hindi na ako umabot e. Hon, sorry. Ibinilin na kita kay Joey, siya na rin ang Valentine’s date mo,” sabi ng kaniyang yumaong mister.

  1. Good Morning, Teacher! – McDonald’s

Sa commercial na ito ng McDonald’s ay isang guro na malapit nang magretiro ang siyang naging bida. Sa loob ng tatlong dekada ay marami nang naging mga estudyante si Ma’am Luzviminda Santiago. karamihan sa kanila ay kilala siya sa pagiging mahigpit ngunit sa kabila nito ay may malambot na pus0 siya para sa kaniyang mga mag-aaral. Sa katunayan, ginagabayan niya ang kaniyang mga estudyante, lalo na iyong mga wala nang mga magulang.

Imahe mula sa video ng Pinoy TLC via YouTube
  1. Last customer – Coca-Cola

Binigyang-pugay ng Coca-Cola ang mga manggagawa na hindi nakakasama ang kanilang pamilya dahil nagtatrabaho sila kahit Pasko. Ibinigay nila ang lahat ng mga ipinabalot na regalo sa isang gift wrapping clerk, ang mga groceries na pinamili sa isang bagger, at ang mga pagkain sa isang waiter.

  1. Your touch is enough – Johnson’s

Sa patalastas na ito, ibinida naman ang isang ina na kahit walang pandinig ay ipinadadama sa kaniyang anak ang pagmamahal sa pamamagitan ng kaniyang mga haplos. “Anak, alam kong may pagkukulang ako. Hindi ko narinig ang unang iyak mo. Pero ang saya ko noong una kang ngumiti…Hindi ko man kayang magsalita, masasabi ko pa rin mahal kita sa paraang tayo lang ang nakakaalam,” sabi niya.

  1. Vow – Jollibee

Kuwento naman ito ng mag-best friend na sa kabila ng pagiging malapit sa isa ay hindi nagkatuluyan. Aminado ang lalaki na minahal niya higit sa isang kaibigan ang babae ngunit dahil gusto niyang maging masaya ito ay naging masaya na rin siya nang ikasal ito sa iba.

Ano’ng patalastas ang nagpaluha sa iyo? Tara na at muling silipin:

Source :

YouTube

Loading…