Balikan: Teleseryeng Mula sa Puso ng ABS-CBN, tinalo ng anime na Ghost Fighter na ipinalabas sa GMA 7

  • Binalikan ng isang vlog ang naging tapatan noon ng seryeng Mula Sa Puso at isang anime
  • Natalo ng GMA Network ang tambalang Claudine Barretto at Rico Yan sa pamamagitan ng Gh0st Fighter
  • Binago nito ang takbo ng Philippine TV kaya naman nagsunod-sunod ang pagpapalabas ng anime sa primetime TV

Kilala ang television network na ABS-CBN sa kanilang mga dekalidad na soap opera o teleserye. Noong 1990s, nakalikha ang Kapamilya network ng mga serye na minahal ng mga manonood at naging klasiko na nga dahil sa record-breaking nilang nakuhang TV ratings.

Ang pagsikat ng mga ABS-CBN serye ay naging suliranin naman umano ng katapat na istasyon na GMA Network. Mula sa pagpapalabas ng Mara Clara, hanggang sa pagsikat ni Claudine Barretto at Rico Yan sa Mula sa Pus0, ay hindi natapatan ng mga teleserye ng GMA ang ratings ng mga ito.

Larawan mula sa YouTube

Ngunit sa isang iglap, ang highest rating na teleserye nina Claudine at Rico ay bigla na lamang nagwakas dahil nakahanap ang GMA ng mabisang pantapat dito. Hindi ito isang teleserye din, bagkus isang anime na niyakap ng mga Filipino viewers sa primetime television.

Sa isang vlog na UTOI Anime Talk TV na inupload sa Facebook, sinariwa ang hindi inaasahang tagumpay ng anime na Gh0st Fighter laban sa higanteng serye na Mula sa Pus0.

Hindi kasi umubra ang seryeng produced ng GMA na Ikaw Na Sana na pinagbidahan nina Angelu de Leon at Bobby Andrews kaya naman nagbaka-sakali ang Kapuso network na magpalabas na lamang ng anime sa timeslot na 6:30 PM noong March 1999.

At hindi naman nabigo ang GMA sa kanilang ginawang eksperimento.

Nakuha umano ng anime ang kiliti ng viewers, matanda man o bata, at naging highest rating show ang Gh0st Fighter at natalo ang Kapamilya teleserye. Ang magdadalawang taon na Claudine-Rico serye ay biglang nagwakas sa highest ratings dahil sa hindi maawat na popularidad ng barkada ni Eugene, Dennis, Vincent, at Alfred ng Gh0st Fighter.

Larawan mula sa Facebook page ng Kami ang Batang 90s at YouTube

Maging mga pahayagan noon ay inilathala ang pagbabagong idinulot ng anime sa Philippine television. Dahil sa tagumpay ng Gh0st Fighter, nadagdagan pa ang anime sa primetime television ng Kapuso network at lahat naman ito ay pumatok katulad ng Lupin III, Flame of Recca, Monster Rancher, Voltes V, at Pokemon.

Dahil sa video na ito, marami ang nagsasabi na dahil hindi matalo ng GMA ang serye ni Coco Martin na Ang Probinsyano, panahon na raw siguro para muling subukan ng Kapuso network na magpalabas ng mga anime sa primetime at baka sakaling matalo na at matapos ang kuwento ni Cardo Dalisay.

Loading…