Bassist ng bandang Ben&Ben nalaglag sa nabutas na stage sa gitna ng performance

  • Bassist ng grupong Ben&Ben nalaglag sa nabutas na stage sa gitna ng performance
  • Nakunan ng video ng pangyayari
  • Sinabi ng grupo na nasaktan ang bahista ngunit nasa mabuti itong kalagayan

Nasangkot sa isang aksidente ang bassist ng award-winning band na Ben&Ben na si Agnes Reoma sa gitna ng kanilang performance noong Sabado, ika-25 ng Enero, sa isang paaralan sa Makati City.

Screenshot mula sa video ni GeloMigBaylon via Twitter

Nakunan ng video ng isang fan ang pangyayari.

Sa video ay makikitang patalon-talon sa stage si Reoma habang tinutugtog nila ang kantang “Ride Home” nang biglang bumigay at nabutas ang bahagi ng stage na tinatalunan niya at nahulog siya doon.

“Sana hindi ka po nagka-injury ate @agnesreoma! Still, thank you for the solid night!!” post ng fan na si @GeloMigBaylon.

Batay sa official Twitter account ng Ben&Ben, nagtamo ng injury ang kanilang babaeng bahista, pero ligtas raw ito at may malay.

“Update:@agnesreoma has been injured but is safe and conscious. We’ll update more soon,” tweet ng grupo.

Matapos mahulog ni Agnes sa nabutas na stage, makikita sa video na agad siyang sinaklolohan ng isa nilang staff, ng vocalist na si Miguel Guico at violinist nilang si Keifer Cabugao.

Naganap ang hindi inaasahang insidente sa 66th foundation day celebration ng Don Bosco Technical Instiute sa Makati City.

Screenshot mula sa video ni GeloMigBaylon via Twitter

Sari-saring mensahe ang ipinaabot kay Agnes mula sa kanilang fans na nagdarasal na sana ay mabuti ang kanyang kalagayan.

“We love you, Agnes. We’re going to pray for you!”

“I love you, Agnes!!! @agnesreoma super galing mo!!! Hope you are okay.”

“This is making me sad and worried at the same time aaaackkk please be careful next time, ateee i love uuuu! get well.”

Screenshot ng tweet ng Ben&Ben

May isang tagahanga  naman ang nagsabing dapat ay may managot sa nangyari sa bahista.

“Managot po ang dapat managot. Yes, Miss Agnes is safe pero dapat may maging responsible sa nangyari. Nakakainis. Thank God, Agnes is safe.”

 

Source :

Twitter

Loading…