Batas kaugnay sa nutritional content ng menu ng mga restaurants, isinusulong

Imahe mula sa Pixabay
  • Isinusulong ni Quezon City Rep. Alfred Vargas ang batas na naglalayong ipaalam ng mga restaurant ang nutritional content ng kanilang mga pagkain
  • Ilan sa mga gustong ipaalam ni Vargas sa mga consumer ay ang calories, cholesterol, carbohydrates, fat, fiber, sodium, sugar, at saturated fat
  • Ito raw ay upang mapili ng mga customer ang pagkaing gusto nila na hindi makakaapekto sa kanilang kalusugan

Sa panahon ngayon kung saan gusto ng lahat ng “instant,” hindi maiiwasan na ang mga estudyante o maging mga manggagawa na malayo sa kanilang pamilya at sariling bahay ay kumain na lamang sa labas dahil mas convenient ito. Pero kapag nakasanayan na ang pagbili ng hindi masustansiyang mga pagkain ay magiging masama ang epekto nito sa kalusugan.

Imahe mula sa Pixabay

Upang mabigyan ang mga consumer ng pagkakataon na malaman ang calorie count ng kanilang kakainin, nagpanukala ng batas si Quezon City Rep. Alfred Vargas na naglalayong isulong ang  paglalagay ng mga restaurant at fastfood ng nutrition information sa kanilang mga menu.

Sa ilalim ng House Bill No.5823, kakailanganin ng mga restaurant at fastfood na ilagay kung gaano karami ang cholesterol, carbohydrates, fat, fiber, sodium, sugar, at saturated fat content ng mga pagkain. Ang mga pagkain naman daw na may calorie na mas mababa sa lima ay maaaring ituring na zero.

“They are often unaware of the calorie and nutritional content of a meal, leading them or misleading them into an unhealthy eating pattern,” sabi ni Vargas, ayon sa Inquirer.

Imahe mula sa Pixabay

Sa pamamagitan daw ng batas mabibigyan ang mga consumers ng “right to choose the food they want to eat without compromising their health.” Sabi pa ni Vargas, sa ibang mga panig ng mundo raw ay alam na ng mga tao ang nutritional content ng kanilang kinakain sa labas ng kanilang bahay.

Kapag naisabatas na ito, ang sinumang lalabag dito ay mapapatawan ng multa mula P20,000 hanggang P100,000.

Sang-ayon ka ba sa panukalang batas na ito?

Source :

Inquirer

Loading…