Bea Alonzo, dalawang magazine cover ang pambungad sa taon

Imahe mula sa Instagram | Esquire PH at Preview PH
  • Malaki ang pasasalamat ni Bea Alonzo sa magkasunod na magazine cover niya sa pagsisimula ng taon
  • Una siyang lumabas sa Esquire at kamakailan lamang ay naging cover din siya ng Preview
  • Naging kontrobersyal ang 2019 para sa kaniya dahil sa much-publicized na breakup nila ng ex-boyfriend ngunit ngayon ay puno na siya ng pasasalamat

Sunud-sunod ang biyayang bumungad sa pagsisimula ng taon para sa aktres na si Bea Alonzo. Hindi pa man nangangalahati ang unang buwan ng 2020 ay may dalawang magazine cover na siya.

Imahe mula sa Instagram | Preview PH

Una siyang lumabas sa cover ng Esquire Magazine.  Samantala, kamakailan lamang ay ibinahagi rin niya sa kaniyang Instagram ang cover ng Preview Magazine na may text naman na “Thank you next.”

“Gracing another cover this month. Thanks for the feature @previewph  2020, I’m ready for you!” sabi ni Bea sa caption.

Sa parehong magazine, napag-usapan ang breakup nila ng aktor na si Gerald Anderson na noon ay na-link kay Julia Barretto. Dito rin nagbigay ng pahayag si Bea na sa pagkakaintindi raw niya ay hindi sila nag-break at bigla na lang siyang hindi kinausap ng aktor.

Ilang buwan matapos ang kontrobersiyang ito ay puno na ng pasasalamat ang dalaga sa kaniyang pinagdaanan.

Imahe mula sa Instagram | Bea Alonzo

Samantala, sinabi naman ni Bea sa Esquire na ngayon ay mas nakakapag-focus na siya sa sarili kaya naman sa ngayon ay gusto niyang tutukan ang trabaho.

“I’m rediscovering myself right now—that’s actually what I’m excited about. I’ve always been in a relationship, that’s the thing, [so] it’s very liberating that, right now, I’m setting my goals just for me. I don’t have to think of another person; right now, all I want is to do a lot of movies and see if they can compete outside the country,” saad niya naman sa Esquire Magazine.

Congratulations, Bea.

Loading…