‘Beautiful blessings taken from us too soon:’ Vanessa Bryant, naglabas ng pahayag sa pagkawala ng mag-amang Kobe at Gianna

Imahe mula sa Instagram | Vanessa Bryant
  • Naglabas ng pahayag si Vanessa Bryant, ang asawa ni NBA legend Kobe Bryant na sinawimpalad sa helicopter crash kasama ang anak na si Gianna at pitong iba pa
  • Nagpasalamat siya sa lahat ng nagpapakita ng pagmamahal at suporta sa kaniyang pamilya
  • Naglunsad din sila ng donation drive para sa pamilya ng iba pang mga nasawi sa crash

Sa unang pagkakataon matapos mag-crash ang chopper na sinasakyan ni NBA legend Kobe Bryant, na siyang dahilan ng pagkasawi niya, ng kaniyang anak na si Gianna at pitong iba pa, ay naglabas ng pahayag ang asawa niyang si Vanessa Bryant.

Imahe mula sa Instagram | Vanessa Bryant

Sa Instagram, pinasalamatan ni Vanessa ang lahat ng nagpapakita ng suporta at pagmamahal sa kanilang pamilya. “My girls and I want to thank the millions of people who’ve shown support and love during this h0rrific time. Thank you for all the prayers. We definitely need them,” aniya.

Sinabi rin niya na nagdadalamhati sila sa biglaang pagkawala nina Kobe na inilarawan niya bilang isang “amazing father” at ni Gianna na isa raw “loving, thoughtful, at wonderful na anak at “amazing” na kapatid kina Natalia, Bianka, at Capri.

Dagdag pa ni Vanessa, walang salita na makapaglalarawan sa sakit na nararamdaman nila ngayon.

“I take comfort in knowing that Kobe and Gigi both knew that they were so deeply loved. We were so incredibly blessed to have them in our lives,” aniya. “I wish they were here with us forever. They were our beautiful blessings taken from us too soon.”

Imahe mula sa Instagram | Vanessa Bryant

Hindi raw maisip ni Vanessa kung paano uusad sa buhay nang wala ang kaniyang mag-ama. “But we wake up each day, trying to keep pushing because Kobe, and our baby girl, Gigi, are shining on us to light the way. Our love for them is endless — and that’s to say, immeasurable. I just wish I could hug them, kiss them, and bless them. Have them here with us, forever.”

Ipinaabot rin niya ang pakikiramay sa pamilya ng iba pang mga nasawi sa pangyayari. Naglunsad din sila ng MambaOnThree Fund sa tulong ng Mamba Sports Foundation upang suportahan ang mga pamilya ng naapektuhan ng trahedyang ito. Upang mag-donate, maaari raw pumunta sa MambaOnThree.org.

“Thank you for sharing your joy, your grief and your support with us. We ask that you grant us the respect and privacy we will need to navigate this new reality,” pagtatapos niya.

Source :

Instagram

Loading…