‘Best way to welcome 2020:’ Solenn Heussaff, nanganak na

Imahe mula sa Instagram | Solenn Heussaff at Nico Bolzico
  • Sa unang araw ng taon ay nanganak na ang aktres na si Solenn Heussaff
  • Ibinahagi ng asawa niyang si Nico Bolzico na sa 0spital na nila sasalubungin ang 2020 dahil inaasahang manganganak na si Solenn
  • Enero 1 nang mag-post si Solenn sa Instagram na dumating na ang anak na si Thylane Katana

Isang malaking biyaya agad ang dumating sa pagsalubong nina Solenn Heussaff at Nico Bolzico ng Bagong Taon dahil sa pagdating ng kanilang panganay na anak.

Imahe mula sa Instagram | Solenn Heussaff

Sa kaniyang Instagram post, ibinahagi ni Nico na sa 0spital na nila sinalubong ang 2020 dahil inaasahang manganganak na ang kaniyang asawang si Solenn. “Advance Happy New Year! Looks like we are spending it in an unexpected place this time! Waiting for #BabyBolz,” sabi niya.

Enero 1 naman nang mag-post si Solenn na nanganak na siya. “01.01.2020. Best way to welcome 2020. So in love with you Thylane Katana,” sabi niya sa post na ibinahagi sa Instagram. Makikita rito ang maemosyon na black and white photo nila ni Nico.

Imahe mula sa Instagram | Solenn Heussaff

Inulan ang dalawa ng congratulatory messages mula sa mga kaanak at kaibigan sa industriya.

Sabi ng sister-in-law niyang si Anne Curtis na expecting din sa kanilang panganay na anak ni Erwan Heussaff, “Can’t wait to meet her! Congratulations you two @nicobolzico and strong mama @solenn.

Ang “It Girl” na si Isabelle Daza ay bumati rin at sinabing “You did so well, Sos.”

Kamakailan lamang ay pinrank pa ni Solenn si Nico na pumut0k na ang kaniyang panubigan upang tignan kung ano ang magiging reaksyon nito o kung handa na ba ito.  Ipinakuha ni Solenn sa asawa ang bag niya at ng kanilang baby girl. Makikita na nag-panic si Nico kaya naman maling bag ang nakuha nito. “You’re not prepared, obviously,” sabi sa kaniya ni Solenn.

Agosto 10 nang ibahagi ng dalawa na ineexpect na nila ang kanilang panganay.

Congratulations, Solenn at Nico!

Loading…