Botika sa Beijing pinagmulta ng higit $430,000 dahil sa overpricing ng face mask

  • Isang botika sa Beijing pinagmulta dahil sa overpricing ng face masks
  • Ang Beijing Jimin Kangtai Pharmacy ay pinagmulta ng 3 million yuan na katumbas ng mahigit $430,000
  • Mula sa dating 143 yuan per box ay itinaas ng botika sa 800 yuan per box ang ibinebenta nilang 3M N95 masks

Isang botika sa Beijing ang pinagmulta ng three million yuan o katumbas ng mahigit $430,000 dahil sa panamantala nito sa nararanasang novel coronavirus outbreak sa kanilang bansa na kumalat na rin sa ibang panig ng mundo.

Imahe mula sa EPA-EFE

Ayon sa Beijing municipal market regulator, itinaas ng Beijing Jimin Kangtai Pharmacy ang presyo ng N95 masks kaya inisyuhan nila ito ng notice of administrative penalty. Halos anim na ulit ng orihinal na presyo ang ginawang pagtaas ng pharmacy.

Itinaas ng nasabing botika ang face masks na may brand na 3M sa halagang 800 yuan kada kahon, samantalang ang online price nito  ay nasa 143 yuan lang kada kahon.

Pinaigting ng Beijing municipal market regulator ang pagbabantay sa presyo ng mga protective gears sa gitna ng nCoV outbreak. Sa Kasalukuyan ay umabot na sa 31 ang bilang ng mga nahuling nagtaas ng presyo.

Sa Shanghai, isang botika ang ipinasara ng regulator dahil sa pagbebenta naman ng sub-standard face masks. Inatasan nito ang botika na i-refund ang pera ng mga customers at i-dispose ang mga hindi na naibebentang face masks na mababa ang kalidad.

Imahe mula sa Kerajaan Rakyat

Tumaas ang demand para sa face masks simula nang kumalat ang nCoV, na sa Wuhan City nagsimula. Ang mga local residents, maging mga foreign visitors ay nag-imbak hindi lang ng face masks kundi maging hand sanitizers bilang proteksyon sa virus.

Ang mga factory ay nagkukumahog na dagdagan ang kanilang produksyon dahil sa mabilis na pagdami ng mga taong kinakapitan ng nCoV.

Sa pinakahuling tala, aabot na sa halos anim na libo ang kinapitan ng nCoV at 132 sa kanila ang hindi nakaligtas.

Imahe mula sa China News
Source :

ABS-CBN, En24

Loading…