Carmina Villaroel, ibinahagi ang blopper sa pelikulang “Sunod”

  • May ibinahaging “bloopers” ang aktres na si Carmina Villaroel sa kaniyang Instagram account
  • Mula ito sa isang eksena niya sa pelikulang “Sunod”
  • Ang pelikulang ito ay isa sa mga lahok sa 2019 Metro Manila Film Festival o MMFF

Isa sa mga pelikulang humakot ng parangal sa “Gabi ng Parangal” sa nakalipas na Metro Manila Film Festival noong 2019 ang pelikulang “Sunod” na pinagbidahan nina Carmina Villaroel at Mylene Dizon. Umani rin ito ng magagandang review at feedback mula sa mga moviegoers dahil sa mga twists na nakapaloob sa mga pangyayari dito.

Ilang araw matapos maipalabas ito sa mga sinehan noong Kapaskuhan, ibinahagi ni Carmina Villaroel ang isa sa mga bloopers niya habang kinukuhanan ang isa sa mga eksena niya.

Batay sa kaniyang Instagram post, makikita ang hindi mapigilang pagbungisngis ni Mina, na dalawang beses niyang ginawa. Subalit kahit na ganoon, nagawa pa rin niya nang mahusay ang hinihingi ng eksena.

Imahe mula sa Instagram account ni Carmina Villaroel

Ayon sa kaniyang caption, “If you really know me, alam n’yo na bungisngis talaga ako. Sunod is a horr0r drama film but we know how to have fun off cam. Play time din kami.”

Hindi naman napigilan ng mga tagahanga at tagasubaybayan ni Mina ang magkomento sa video.

Reaksyon ng isa, “Ang cute mo Miss Carmina Villaroel! Eversince nakuha mo na ang puso ko. Paborito ko ang pelikula mong Maruja.”

“Nakakatuwa talagang manood ng mga bloopers like this, kasi nanunumbalik na ang lahat ay pelikula lamang, kasi minsan nakakalimutan kong kathang–isip lamang ito’t mahuhusay lang talaga ang mga artista sa kanilang pagganap, just like Miss Carmina,” ayon naman sa isa.

“Sunod movie is really good! Not a typical horror movie. Everybody should watch it. Maraming twists and turns sa kuwento. Effective ang pag–arte ng mga actors,” papuri naman ng isa sa pelikula.

Imahe mula sa Instagram account ni Carmina Villaroel

Si Carmina Villaroel ay kasal sa aktor na si Zoren Legazpi, at biniyayaan sila ng kambal na anak na sina Mavy at Cassi Legazpi na nasa showbiz na rin.

Loading…