Catriona Gray, nagdiwang ng kaarawan sa ASAP kasama ang mga bata sa ‘Young Focus’

Imahe mula sa video ng ABS-CBN
  • Nagdiwang si Miss Universe 2018 Catriona Gray ng kaniyang kaarawan sa Sunday musical variety show na ASAP
  • Kasama niyang umawit ang mga kabataan mula sa sinusuportahan niyang non-government organization na Young Focus
  • Ibinahagi niya rin kung ano ang kaniyang birthday wish ngayong taon

Nagdiwang ng kaniyang kaarawan si Miss Universe 2018 Catriona Gray, na ngayon ay isa nang ganap na Kapamilya, sa Sunday musical variety show na ASAP Natin To.

Imahe mula sa video ng ABS-CBN

Inawit niya ang kantang “We’re In this Together” kasama ang mga kabataan mula sa Young Focus, ang non-government organization na nangangalaga sa mga batang taga Smokey Mountain sa Tondo, Maynila. Sinusuportahan niya ito simula pa noong 2016.

Ayon sa kaniya, ito raw ang pinaka hindi niya makalilimutan na pagdiriwang ng kaniyang kaarawan dahil nakasama niya ang mga bata at ang kaniyang mga kapwa Kapamilya. Isang bata mula sa organisasyon ang nagbigay sa kaniya ng mensahe at sinabing “Isa talaga siyang blessing para sa amin kasi ang galing niya po talaga mag-inspire ng mga bata para makapag-aral po nang maayos.”

Tinanong din ng singer at host na si Ogie Alcasid kung ano ang nararamdaman ni Catriona dahil marami na siyang nai-inspire, kabilang na rito ang misis niyang si Regine Velasquez na nag-trend noon dahil sa hindi maitagong paghanga kay Catriona.

Imahe mula sa Instagram | Catriona Gray

Sagot ng beauty queen, “It’s truly an honor to be in the position that I am in and I also hope that I will always give back to the community in any way that I can.”

Ibinahagi niya rin kung paano binago ng charity work ang buhay niya.  “It really changed my life. Being able to realize na ‘yung mga kapwa tao, they really need help. They need opportunities that so many of us have and actually take for granted. We have a responsibility, each and every one of us, dapat may compassion for each other, for our brothers and sisters,” sabi niya.

Ang hiling niya raw para sa kaniyang ika-26 kaarawan ay marami pa siyang ma-inspire na tumulong sa kapwa. “You don’t need to be a queen. You don’t need a title. You can make someone’s life better and that’s my birthday wish sana that you will all be inspired to do that this year,” sabi niya.

Source :

ABS-CBN

Loading…