Cavite Congressman nais imbestigahan ang umano’y kakulangan ng babala sa pagputok ng bulkang Taal

  • Cavite congressman nais paimbestigahan ang PHIVOLCS
  • Nagkulang umano ang ahensya sa pagpapakalat ng impormasyon hinggil sa panganib na dala ng volcanic activity ng Taal
  • Sinabi naman ni Senador Panfilo Lacson na hayaan na lang ang PHIVOLCS na gawin ang trabaho nito at huwag nang sisihin pa

Dahil sa diumano’y kakulangan ng babala sa publiko bago ang pagputok ng Bulkang Taal, nais paimbestigahan ng isang mambabatas mula sa Cavite kung paano rumesponde ang mga ahensya ng pamahalaan sa nangyaring kalamidad.

Imahe mula sa PIA Calabarzon

Inihain ni Cavite 4th District Representative Elpidio Barzaga, chairman ng House committee on Environment and Natural Resources, ang House Resolution No. 643 na humihikayat sa appropriate House Committee na magsagawa ng imbestigasyon sa layuning makagawa ng batas hinggil sa pagpapabuti ng preparasyon sa mga kalamidad.

“There is an imperative need to determine the necessary improvements in the responses of the different government agencies such as the Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS), the Philippine National Police, the Department of Social Welfare and Development, the National Disaster Risk Reduction and Management Council, and local governments to reduce the risks of natural disasters,” saad Ni Rep. Barzaga sa House Resolution No. 643.

Partikular pang binanggit ni Rep. Barzaga ang malinaw daw na kakulangan ng PHIVOLCS sa pagpapakalat sa publiko ng impormasyon tungkol sa panganib ng volcanic activity ng Taal.

“To be sure, due to lack of information, in the afternoon of the same day, while Taal Volcano is already manifesting increased volcanic activity, people still traveled towards it, while those who were already near Taal Volcano were shocked to see the smoke spewing from it and had to immediately flee under the dangers of ashfall,” ayon pa sa mambabatas.

Imahe mula sa Vatican News

Samantala, sinabi ni Senator Panfilo Lacson na hayaan na lang ang ahensya na gawin ang trabaho nito at huwag nang sisihin pa.

“This is not the time to blame people. The situation is still there. We don’t know what else will happen. And quite regularly they are giving updates. So, I think it’s a bit premature if we start blaming them now,” anang senador.

Loading…