China Coast Guard, namigay ng donasyon para sa mga apektado ng Bulkang Taal

Imahe mula sa video ng Philippine Coast Guard via Facebook
  • Nagbigay ng donasyon ang China Coast Guard para sa mga Pilipinong naapektuhan ng pagsab0g ng Bulkang Taal
  • Nagdala sila ng mga N95 masks, bigas, at mantika
  • Ikinatuwa ng netizens ang pagbibigay nila ng tulong sa kabila ng isyu sa pagitan ng Pilipinas at China sa West Philippine Sea

Nagpaabot ng tulong ang China Coast Guard sa mga Pilipinong naapektuhan ng phreatic erupti0n at patuloy na pag-aalburoto ng Taal Volcano.

Imahe mula sa Philippine Star

Ayon sa Philippine Star, ipamamahagi ng China Coast Guard ang 600 na N95 masks, saku-sakong bigas at mantika sa mga biktima ng ash fall at lind0l sa Batangas na nangangailangan ng tulong. Dumaong ang kanilang 5204 vessel sa South Harbor, Port Area, Manila nitong Martes.

Malugod daw na tinanggap ng Philippine Coast Guard si CCG director general Maj. Gen. Wang Zhongcai. “PCG and CCG are one with the vision of building a united community founded on peace, friendship, and cooperation where both people may grow stronger together in the next generations to come,” sabi ng PCG.

Ang N95 masks ay isa sa mga pangunahing pangangailangan ng mga pinaka-apektadong residente dahil ito ang inirerekomenda ng mga doktor upang mapangalagaan ang kalusugan laban sa mga pinsalang maaaring idulot ng ash fall. Nagsimula nang magkaubusan ng supply ng mga ito sa ilang mga bayan.

Ipinagpasalamat naman ito ng mga netizens na sinabing isantabi raw muna ang isyu ng agawan sa West Philippine Sea at magpasalamat sa donasyon na ibinigay ng China. “Disregard muna ang island claiming, para sa mga kababayan natin na nasalanta yan,” sabi ni Eon V.

Imahe mula sa video ng GMA News via Facebook

Komento naman ni Alfie P., kahit may kompetisyon sa pagitan ng China at Pilipinas dahil sa West Philippine Sea, naghahari pa rin daw ang kabutihan sa ganitong pagkakataon. “Yes, despite the competition, we are still humans in need of help,” sabi niya.

Nakataas pa rin ang Alert Level 4 sa Taal Volcano na nangangahulugang maaaring maganap ang hazardous expl0sive erupti0n sa loob ng ilang oras o araw. Mula 2 a.m. hanggang 10 a.m. nitong Martes, Enero 14, 2020 ay nakapagtala ang Philippine Seismic Network ng 49 volcanic earthquakes sa Taal Region. Pito sa mga ito ay naramdaman sa Tagaytay City.

Loading…