Confirmed: Nadine Lustre at James Reid, hiwalay na

Imahe mula sa TWBA at kay James Reid
  • Kumpirmado na ang breakup nina James Reid at Nadine Lustre
  • Naglabas ang JaDine ng joint statement sa Tonight With Boy Abunda
  • Unang ibinalita ang Pep.ph ang paghihiwalay ng dalawa ngunit hindi sila nagsalita tungkol dito

Pagkatapos ng halos apat na taong relasyon, kinumpirma ng tambalang James Reid at Nadine Lustre na hiwalay na sila.

Imahe mula sa Instagram | James Reid

Sa joint statement nila na inihayag sa Tonight With Boy Abunda, sinabi nilang totoong break na sila dahil gusto nilang mag-grow at hindi dahil sa mga kumakalat na dahilan sa tabloids at social media.

“It’s true that we have split up but not for all the reason that are being spread on tabloids and social media but because after quiet and mature conversations, we decided to focus on ourselves not only for our careers but more for our personal growth as we are still young and we want to achieve as much as we can,” sabi nila.

Ngunit kahit hiwalay na ay nananatili raw silang magkaibigan. “We are in good terms and are still really good friends and will continue to work with each other especially when it comes to music,” sabi nila.

Nagpasalamat din sila sa fans ng JaDine na lagi raw sumusuporta sa kanila. “Thank you for all the JADINE FANS for their undying support and we hope you continue to support us now and in the future. We shall forever be grateful to them for their love and understanding,” saad pa sa kanilang pahayag.

Unang araw ng 2020 nang ilabas ng entertainment website na Pep.ph ang ulat tungkol sa paghihiwalay ng dalawa dahil daw sa “irreconcilable differences.” Napansin daw nila na matagal nang hindi nagpo-post ang dalawa ng larawan na magkasama sila. Hindi rin daw namataan ang dalawa na magkasamang sinalubong ang Bagong Taon.

Imahe mula sa Instagram | Jame Reid

May cryptic posts din si Nadine si Instagram na may caption na “I can’t be who you want” at “For good reason, lost all my love.”

Hindi naman ito agad na natanggap ng kanilang fans at nag-post pa sila ng mga larawan na makikitang magkasama ang dalawa.

Samantala, sinagot din noon ni Nadine ang column ni Ricky Lo sa Philippine Star na nagsasabing maingat daw si James sa pag-handle ng paghihiwalay nila dahil sa mental health issues ng aktres. Pumalag naman dito ang aktres at tinawag itong “low.”

Source :

Facebook, Pep.ph

Loading…