“Couple’s Nest” ng Tagaytay City government para sa mag-asawang evacuees umani ng sari-saring reaksyon

  • Tagaytay City government nagbukas ng “couple’s nest” para sa mga mag-asawang evacuees
  • Ang couple’s nest ay isang mini-hotel na may limang silid na maaaring magamit ng mag-asawang evacuees para magkaroon sila ng pansamantalang privacy
  • Ang couple’s nest ay bahagi umano ng tinatawag nilang holistic approach sa pangangalaga sa mga evacuees

Umani ng magkakaibang reaksyon mula sa mga netizens ang “couple’s nest” na binuksan ng lokal na pamahalaan ng Tagaytay City para sa mga mag-asawang evacuees na nasa mga evacuation centers sa naturang siyudad.

Imahe mula sa Remate

Pinuri iyon ng ilang mag-asawang evacuees, ngunit may mga netizens na bumatikos dito at sinabing napaka-insensitive daw na mag-isip ng “intimate moments” sa gitna ng nararanasang kalamidad. Mas dapat umanong unahin o bigyan ng prayoridad ang pagtatayo ng mga palikuran sa mga evacuation center.

Ayon sa health officer ng Tagaytay City na si Dr. Liza Fe Capupus, ang couple’s nest ay isang mini-hotel na may limang silid na maaaring magamit ng mga mag-asawang evacuees para magkaroon sila ng pansamantalang privacy.

Ang bawat couple evacuee ay maaaring gumamit ng couple’s nest ng hanggang dalawang oras. May single-sized bed at dalawang bottled water sa bawat kwarto nito. Ang pasilidad ay bukas mula umaga hanggang alas-diyes ng gabi.

“Kailangan ng couple’s nest kasi ito ay isa sa mga pangangailangan ng mag-asawa, so they need to be intimate with each other. Dapat mabigyan ng prayoridad at mabigyan din ng serbisyo kung saan ‘yung mga facilities na ganyan available din siya, just like breastfeeding area,” sabi ng health officer.

Imahe mula sa RMN

Bago makagamit ng kuwarto, dapat magparehistro ang mag-asawa para mabigyan ng coupon at kailangang sumailalim sa isang family planning seminar.

At kung may mga anak ang mag-asawang gagamit ng couple’s nest, maaari nilang iwan ang mga bata sa isang designated play area.

Ang couple’s nest ay bahagi umano ng tinatawag nilang holistic approach sa pangangalaga sa mga evacuees.

Screenshot mula sa video ng GMA

Loading…