CPA nalibot ang 81 probinsiya sa Pilipinas

Imahe mula sa Facebook | The Pirate King PH
  • Isang lalaki ang nakalibot na sa lahat ng 81 probinsiya sa bansa
  • Ibinabahagi niya ang kaniyang mga karanasan sa Facebook page na The Pirate King PH
  • Marami raw siyang natutuhan dahil sa paglilibot niyang ito

It’s more fun in the Philippines!

Hindi na lamang ito campaign slogan ng Department of Tourism para kay Mark Jason Gatus dahil siya mismo ay nasaksihan na ang angking ganda ng lahat ng 81 mga probinsiya sa Pilipinas.

Imahe mula sa Facebook | The Pirate King PH

Ibinahagi niya ang tinawag niyang “PROJECT 81 PH” na sinimulan niya noong taong 2013 sa pag-akyat sa mga bundok.

“There’s this thing inside me that’s burning, saying that I need to conquer every peak of Philippine mountains, not to brag but to be a good example to my fellow mountaineers. Every weekend, I joined organized climbs, may it be minor or major hike,” kuwento niya.

Marami raw siyang natutuhan sa pag-akyat sa mga bundok.

“Mountaineering taught me a lot of things. It helped me to be a quick thinker, to be a good team player, and also to be independent,” sabi ni Gatus. Kaya lamang daw, matapos ang dalawang taon ay tila nawala ang passion niya para rito kaya naman mga beach naman ang sinimulan niyang tuklasin.

Taong 2017 daw nang gawin niya ang Facebook page na The Pirate King PH kung saan niya ibinabahagi ang mga larawan ng mga lugar na napuntahan na niya. Dito rin siya nagpopost ng kaniyang travel itinerary. Na-inspire daw siya sa nakitang hashtag na #project81ph kaya naman gumawa na raw siya ng sariling checklist.

“I made my own checklist and I never thought that I already ticked off more than half of it. So I went to my calendar and plotted the remaining provinces I needed to visit,” saad niya. Dahil taga Luzon, una niya raw pinuntahan ang mga probinsya sa Visayas at Mindanao noong 2018 at 2019.

Imahe mula sa Facebook | The Pirate King PH

April 2019 daw nang marating niya ang Romblon, ang kumumpleto sa listahan niya para sa Luzon. June 2019 naman siya nakaapak sa Biliran, huling probinsyang pinuntahan niya sa Visayas, at ang ika-81 na napuntahan niya ay ang Dinagat Islands noong September 2019.

Kuwento ni Gatus na isang CPA, may mga pagkakataon na napapaisip siya na kung hindi raw siguro sa dalas ng paggala niya, marahil ay corporate boss na siya pero tila matindi raw ang tama sa kaniya ng travel bug kaya’t hindi niya mapigilan ang sarili sa pagbu-book para sa kaniyang solo travels sa tuwing magkakaroon ng promo. “I found it easier to travel solo, setting my own pace, traveling at my own time,” sabi niya.

Sa lahat ng mga karanasang ito, natutunan raw niya na ang paglalakbay ay nagbubukas ng maraming pinto.

“I learned different languages, I have tasted some of the best foods, and I got a chance to live with the locals. Traveling is the best education anyone can have, I must say,” sabi niya.

Source :

Facebook

Loading…