Dabarkads Luane Dy at Kapuso actor Carlo Gonzales, magkaka-baby na

  • Inanunsiyo ng Kapuso couple na sina Luane Dy at Carlo Gonzales na magkakaanak na sila
  • Maraming celebrity at fans nila ang natuwa sa bagong kabanatang ito ng kanilang buha
  • Inaabangan na rin ng kanilang fans ang kanilang nalalapit na kasal

Maganda ang pasok ng taon para sa Kapuso couple na sina Luane Dy at Carlo Gonzales. Sa isang Instagram post kasi, ibinulgar ni Carlo na magiging magulang na sila ng kanyang fiancée na si Luane at excited na raw siya sa panibagong yugto ng kanilang buhay.

Ayon kay Carlo, lalaki ang magiging anak nila ni Luane. Hindi man niya sinabi kung ilang buwan na ang dinadala ng asawa, inihayag naman niya na handa na siya sa bagong hamong ibibigay sa kanya ng bagong taon.

Larawan mula sa Instagram account ni Luane Dy

“This will be the most exciting and challenging role I am going to take. Now, as a husband and very soon as a father. This next chapter is the culmination of how well I drove down this path that I have chosen and I am elevated,” pahayag ni Carlo na napanood sa Survivor Philippines Celebrity edition at Encantadia. Pinsan din siya ni Kapuso primetime king Dingdong Dantes.

Ibinahagi rin ni Luane ang larawan nila ni Carlo habang ipinakikita ang kanyang baby bump. Inulan ng pagbati mula sa mga kasama nilang celebrity ang post na ito ni Luane. Nagpaabot ng kanilang mensahe ang mga kapuwa nila Kapuso na sina Camille Prats, Rodjun Cruz, Lyn Ching, Arthur Solinap, at mga Dabarkads na sina Ryzza Mae Dizon at Pauleen Luna.

Isang mensahe naman ang iniwan ni Dingdong para sa kanyang kaanak na si Carlo. Ayon sa kanya, proud raw siya kay Carlo dahil sa maturity nito, ang kagustuhang maging isang mabuting ama at asawa kasabay ng pagbati ng congratulations.

Larawan mula sa Instagram account ni Luane Dy

“I am proud of you, brother. I am certain that you’ll become an even better husband and father— far from what you’re imagining right now. Congratulations to you and Luane!” pahayag ni Dingdong.

Noong Abril ng 2019 naging engaged sina Carlo at Luane. Ginawa ni Carlo ang proposal sa Disneyland sa Los Angeles, California kasabay ng fireworks display. Wala pa namang pahayag ang dalawa kung kailan gagawin ang kanilang pag-iisang dibdib.

Loading…