Dagdag-sahod sa government employees pirmado na ni Pangulong Duterte

  • Salary Standardization Law of 2019 pirmado na ni Pangulong Duterte
  • Sa ilalim ng bagong batas ay magkakaroon ng salary adjustment ang mga government employees na ibibigay sa apat na tranches
  • Ang first tranche ay ibibigay ngayong Enero at ang pang-apat ay sa taong 2023

Nilagdaan na ni Pangulong Rodrigo Duterte nitong Miyerkules, ika-8 ng Enero, ang Salary Standardization Law of 2019 na magbibigay ng dagdag-sahod sa mga kawani ng gobyerno matapos ihayag ng Department of Budget and Management na ang pondo para rito ay kasama na sa 2020 national budget.

Imahe mula sa Office of the President

Sa ilalim ng batas, ang adjustment sa suweldo ng mga government employees ay ibibigay sa apat na bugso simula ngayong January 2020 hanggang sa taong 2023.

“The Palace confirms that President Rodrigo Roa Duterte signed the “Salary Standardization Law of 2019,” which he earlier certified as urgent, thereby granting a salary increase to government workers, in four tranches, effective Fiscal Year 2020 to Fiscal Year 2023,” pahayag ni Presidential Spokesperson Salvador Panelo.

Ang mga empleyadong nasa ilalim ng Salary Grade 10-15 ang may pinakamalaking pagtaas – mula 20 hanggang 30 percent, samantalang ang mga kawani na may Salary Grade 23-33 ay 8 percent lang ang itataas ng suweldo.

Tinatayang aabot sa 1.4 million government employees ang makikinabang sa Salary Standardization Law of 2019 at may kabuuang P34.2 billion ang nakalaan para sa unang tranche ng pay hike.

Nagpasalamat naman ang isang grupo ng mga public school teachers sa pagpirma ng Pangulo sa batas, subalit sinabi nito na hindi sapat ang ipinatupad na dagdag-sahod.

Imahe mula sa Summit Express

Sa isang pahayag, sinabi ni Teachers Dignity Coalition national chair Benjo Basas na malayo sa kanilang inaasahan ang umento na ibinigay sa kanila sa ilalim ng bagong batas. Hindi umano kinilala ng nasabing batas ang tunay na halaga ng mga guro at ang recommended renumeration scheme na nakasaad sa Magna Carta for Teachers.

Ani Basas, tatlong taon nilang hinintay ang pangakong P10,000 umento sa mga guro noong tumatakbo pa lang sa pagka-presidente si Pangulong Duterte.

Sa isang press conference, sinabi ni Panelo na tutuparin ng Pangulo ang kanyang pangako.

Aniya, maaaring hindi ngayong taon, pero hindi pa naman tapos ang panunungkulan ng Pangulo.

Loading…