Dahil sa kawalan ng tubig, mga residente sa Cavite naglaba sa ilog; netizens, nagbalik-tanaw

Image capture mula sa video ng GMA News
  • Naglaba sa ilog ang ilang residente ng Alfonso, Cavite dahil sa kawalan ng tubig doon
  • Ang netizens, napabalik-tanaw sa mga panahon na sa ilog talaga sila naglalaba
  • Hiling ng iba, ingatan ang kalikasan dahil babalik at babalik pa rin daw ang mga tao rito sa oras ng pangangailangan

Dahil sa kawalan ng supply ng tubig, maraming mga residente ng Alfonso, Cavite ang nag-“back to basic.”

Imahe mula sa Philippine Star | Mitchie Rose Hermoso

Sa video na ibinahagi ng GMA News at sa larawan ni Mitchie Rose Hermoso na ibinahagi ng Philippine Star, makikita ang mga residente doon na naglalaba sa ilog. Ang ilan naman, umiigib pa ng tubig.

“Residents of Barangay Matagbak in Alfonso, Cavite wash their clothes in the river due to the lack of water supply in the area,” saad ng PhilStar sa caption.

Maraming mga netizens ang napabalik-tanaw dahil noon daw ay sa ilog naman talaga sila pumupunta upang maglaba.

“Ganyan nung araw nung hindi pa high tech sa Alfonso. Kinukwento ‘yan ng mga matatandang yuma0 na,” sabi ni Donald Glen.

Sabi naman ng iba, “back to basic” lang ang nangyayaring ito kaya naman sana raw ay huwag abusuhin ang kalikasan dahil kahit hindi raw ito iniingatan ng mga tao ay nakatutulong pa rin ito sa oras ng matinding pangangailangan kagaya ngayon.

Imahe mula sa Facebook | Philippine Star

“Back to basic. Sana lang ‘wag i-pollute ang ilog para marami pa ang makinabang,” sabi ni Jhen T.

“Praise God may supply pa rin ng malinis na tubig na pwedeng gamitin. Ingat kayo mga kababayan,” saad naman ni M. Dionisio.

Si Reenaliza A. naman, hindi napigilang magbahagi ng mga mahahalagang aral na natutunan niya raw dahil sa kapayakan ng buhay noon.

“Nabuhay kami sa ganiyang estado noon at pinagpapasalamat ko yun ngayon dahil saksi ang kalikasan kung paano ako lumaking matulungin sa magulang, masipag, at bigyang halaga ang mga simpleng bagay na natatanggap ko na ngayon,” sabi niya. “Hindi mo ikaliliit kapag maranasan mo ang ganyan sa panahong ito.”

Loading…